CHAPTER 2—It Was Her

1523 Words
MAY KUMALAMPAG. Bumalikwas ng bangon si Mellow at sinalubong ng dilim. Bakit madilim? Brown out? Kinapa-kapa niya ang higaan, hinagilap ang cellphone. Bigo siyang mahanap iyon. Her hands brushed on the laptop’s screen. Awtomatikong umilaw iyon, nakabalandra sa monitor ang warning na kailangan na niya iyong i-charge. Gamit ang liwanag na nagmumula sa laptop, kinuha niya ang bag at hinanap ang baong flashlight. Hindi pa rin niya makita ang cellphone. Hindi niya matandaan kung saan nailapag iyon. Well, she remembered using it on the kitchen while reheating the pizza she ordered this afternoon. Posibleng doon niya iyon naiwanan. Bitbit ang flashlight, pumunta siya sa kusina. She immediately spotted her cellphone. Umiilaw-ilaw ang screen habang nakapatong sa tabi ng oven. She has five missed calls and six messages. Pipindutin na lang niya ang mga mensahe nang mag-flash sa screen ang warning na mag-shu-shutdown na ang device sa loob nang labinlimang segundo. “s**t. Ngayon pa talaga?” inis niyang bulong, ipinasya nang bumalik sa silid at i-charge ang cellphone sa dalang powerbank. She froze and felt the skin on her arms tingled. Malamig. Umuungol din ang hangin, mas malakas keysa noong mga nagdaang gabi. Tumingin sa gawing kanan si Mellow, itinutok doon ang flashlight. Malawak na nakabukas ang isa sa bintana sa sala. Doon pumapasok ang ingay at hangin. Mellow never opened those windows and she always made sure they were securely locked before going to bed. “Anong…?” Bumadha ang kaba sa dibdib niya. Gayunpaman ay maingat siyang lumapit doon. Dali-dali niyang isinara ang bintana at bumalik sa silid. Hinanap niya ang power bank pero hindi na niya makita ang bag sa kama. Doon niya lang iyon iniwan kanina. “Nasaan na ‘yon?” “Ito ba ang hinahanap mo, Miss Byutipul?” Malakas na suminghap si Mellow, halos mabuwal sa bilis ng ginawang paglingon. Nanlaki ang mga mata niya nang itutok doon ang flashlight. May tatlong bultong nakatayo sa isang sulok, may hawak na flashlight ang isa, ang kabilang kamay ay hawak ang bag niya. They’re wearing dark clothes and have bonnets over their heads. Ang mga mata at bibig lang ng mga ito ang naaaninag niya, lahat ay nakangisi sa kaniya. Umatras siya, tumama ang likod ng binti sa edge ng kama. Tumingin siya sa pinto ngunit nahulaan yata ng lalaki ang gusto niyang gawin. Ibinalandra nito ang sarili sa pinto at marahang tumawa. “May pupuntahan ka ba, Miss?” nakakaloko pang tanong nito, pinindot ang lock ng pinto. “Huwag n’yo akong sasaktan. Kunin n’yo lahat ng gusto ninyo. Just don’t hurt me.” Tumawa uli ang lalaki sa pinto. Nangilabot siya, mas natakot. Itinutok nito sa kaniya ang flashlight, pinadaan iyon pababa sa katawan niya at ibinalik sa mukha. “Ang gaganda talaga ninyong mga Manilenya. Mas lalo akong tinitigasan sa pag-Ingles mo, Miss. Kapag tinikman kita mamaya, gusto kong Ingles din ang isigaw mo.” “Hindi! Huwag n’yong gagawin ‘to! May mga tanod sa paligid, binabantayan nila ako!” “Nasaan sila ngayon kung binabantayan ka nga nila, hmm?” Hindi nakasagot si Mellow. Nasaan na nga ba ang mga dapat ay nagbabantay sa kaniya? Paanong nakalusot ang mga lalaking ito? “P-Please—“ “Hawakan n’yo!” utos ng lalaki, inihagis ang bag niya sa sahig. “No!” sigaw ni Mellow, ibinato ang hawak na cellphone sa isa sa mga lalaking palapit sa kaniya. Tumakbo siya sa kabilang bahagi ng silid kung saan may bintana subalit nakakailang-hakbang pa lang siya nang may mga kamay na pumigil sa beywang at mga braso niya. Inihagis siya ng mga iyon pabalik, tumama pa ang likod sa gilid ng nightstand kaya sandali siyang naparalisa ng sakit. Naramdaman niya na magkakatuwang siyang itinayo ng mga ito. May humawak sa mga braso niya, may pumigil sa likod ng leeg niya. Mellow thrashed and screamed but they just laughed at her. Napahiyaw siya nang may dumaklot sa buhok niya at hawakan siya sa panga. “Makinig ka, Miss. Magpakabait ka sa amin at hahayaan ka naming mabuhay. Huwag kang mag-aalala, masasarapan ka sa gagawin namin.” Minura niya ito. “Papatayin ko kayong mga hayop kayo! Hahanapin ko kayo, gagamitin ko lahat ng paraan—“ “Ulol!” sigaw ng lalaking may hawak sa kaniya, pagkatapos ay isinubsob ang mukha niya sa kama. “Hubaran n’yo!” Mellow screamed against the mattress when hands grasped her hips harshly and fumbled with the button of her jeans. Umalingawngaw ang pagkapunit ng pang-itaas niya. A cold breeze licked her bare skin, causing her to shiver even more. Oh God, help me. Please, please help me… Sunod-sunod na naglandas ang mga luha niya. Her mind refused to believe this was happening. Ilang beses niyang tinawag sa isipan ang mga magulang, maging si Kyra. Subalit malayo ang mga ito sa kaniya. Ni hindi alam ng mga ito ang sitwasyon niya. She called for God’s help again. “Dalian n’yo! Init na init na ako,” wika ng lider, bakas ang matinding pagnanasa sa boses. Lumuwag ang pagkakahawak nito sa batok niya kaya nagawa niyang maiangat at mukha mula sa kutson at sumigaw. Tinakpan din nito agad ang bibig niya. Kinagat niya iyon, malakas itong nagmura at muli siyang sinabunutan. Inilapit nito ang bibig sa tainga niya. “Tang-ina kang babae ka! Nagbago na ang isip ko, pagkatapos ka naming pagsawaan, papatayin ka namin. Ako mismo ang puputol sa ulo mo at itatapon sa ilog.” Despite her situation, Mellow laughed. “Babalik ako mula sa hukay at papatayin kayo,” ganting banta niya. “Isinusumpa ko—“ Napahinto siya at napapikit saglit nang mapuno ng liwanag ang paligid. Natigilan din ang mga lalaki. Agad ding namatay ang ilaw pagkatapos ay muling bumukas. At muli ring namatay. Isinubsob uli ng lalaki ang mukha niya sa kutson. “Ano ‘yon? Akala ko ba sinira mo na ang fuse box ng bahay na ito?” “O-Oo nga, boss. Sinira ko.” “Oh, eh ano ‘yon?” “Malay ko. Putol na ang mga kable, paano pa iilaw ang mga ‘yan?” “Wala bang multo dito?” Minura ito ng lider. “Ituloy n’yo na’ng ginagawa n’yo. Hubaran n’yo. Huwag kayong magtitira.” Mellow whimpered when she felt the man yanked her pants off her legs. Wala na rin siyang pang-itaas kaya tanging ang manipis na underwear na lang ang suot niya. Nilabanan niya ang mga ito, sinubukang pigilan. Ayaw niyang sumuko. Hindi siya papayag na gawin ng mga ito sa kaniya iyon. She kicked and thrashed, she wiggled and pulled her hands off the man’s grip but to no avail. Ano nga ba ang laban niya sa tatlong bruskong lalaki? Hanggang doon na lang ba siya? Ang bakasyon niyang iyon pa ang magdadala sa kaniya sa kamatayan niya? “Sige, giling pa, Miss. Malapit na naming makita ang langit.” Nagtawanan ang mga demonyo. May humawak sa beywang niya, sapilitang ibinababa ang natitirang saplot niya sa katawan. Noooo! God, don’t let them do this to me! Parang awa N’yo na! Sumipa siya, komonekta ang paa niya sa isang malambot na bagay. Umalingawngaw ang malutong na mura ng isa sa mga lalaki. “Masyadong matapang ang p*tang-inang ‘to, boss!” “Mauubos din ang tapang niyan,” walang anumang sabi ng “boss” kasunod ang ingay ng binuksang zipper. Ngunit bago pa man siya muling mahawakan ng lalaki, sumindi uli ang ilaw. Then something crashed behind them. Sa sobrang lakas ay umuga ang sahig. It was followed by a growl—low but enough to give her goosebumps. Dahil pinipigilan pa rin ng lalaki ang ulo niya, hindi niya magawang tingnan kung ano ang lumikha ng ingay. Halatang hindi iyon inaasahan ng mga lalaki base sa lakas ng pagsinghap at mga murang kumawala sa bibig ng mga ito. “B-B-Boss!” wika ng isa sa nanginginig na boses. “Ano ‘yan, boss?” “Tang-ina!” “Hatawin n’yo, mga gago!” Umalis sa ibabaw niya ang lider, nagawa niyang makagalaw. Nahulog siya sa kama, nakatukod ang mga braso sa sahig, habol ang paghinga. May nangyayari nang komosyon sa paligid niya. Umangat ang ulo niya, tumingin sa pinto. Agad siyang tumayo at tinakbo ulit iyon subalit may umagaw sa atensiyon niya. May iba pa silang kasama sa silid, nakatayo sa harap ng bintana, kaharap ang nakatumbang bookshelf. Una niyang nakita ang marumi nitong mga paa, pagkatapos ay ang mga payat at nangingitim na mga binti. Bumilis ang pag-akyat ng mga mata ni Mellow. Their eyes met and she almost screamed with terror. Sa halip na mga mata, dalawang malaking butas ang nakita niya at mula roon ay may umaagos na maitim at malapot na likido. Wala rin itong suot na anumang saplot, tanging ang mahaba at maruming buhok lang nito ang tumatakip sa mga dibdib. At sa balat nito ay mababakas ang mga ugat na animo’y gumagapang na mga ahas. They were black and pulsating fast, as though they would explode any minute. Nanghilakbot nang husto si Mellow. It was her! Sigurado siyang ito ang babaeng nakita niyang nagmamatyag sa kaniya kanina!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD