XELLONIA POV “HETO ang room mo, Xellonia.” Napahinto kami sa right side ng second floor at nakita ko ang blangkong pinto ng magiging kʼwarto ko. Ang ibang pinto kasi ay may name. “Katabi mong room ay kay Karen. Pʼwede kang magtanong sa kanya. At, pʼwede mo rin lagyan ng name mo ang pinto na ito. Maaari ka ng magpahinga. Ako naman ay babalik sa trabaho ko. Welcome to their world, Xellonia.” Ayan na naman ang kakaibang salita niya, na may double meaning palagi. Ngumiti na lang ako at umalis na rin siya. Kaya wala na akong nagawa kung ʼdi pumasok na ako sa magiging kʼwarto ko. Napanganga ako nang makita ang paligid ko ngayon. Ang ganda ng kʼwarto ko, pero pink ang wallpaper. Hindi naman ako galit sa pink pero hindi ko siya favorite color. Nakita ko ang bed kong malaki, hindi single

