XELLONIA POV NATAPOS na akong kumain at ano na lang ang nandito sa kusina ng headquarters. Hindi pa bumababa muli si ate Hazel. Sila Karen ay pumunta na sa main house para maglinis na. “Kanina ka pa, Xellonia?” Napalingon ako nang makita ko si ate Hazel, galing siya sa labas ng headquarters. “Pasensya na, ha? Pinatawag ako ni Master Santi kaya pinuntahan ko pa siya. Tara na? Pumunta na tayo sa main house,” sabi ni ate Hazel sa akin. Mabilis akong tumayo at nilapitan siya. Lumabas kami sa headquarters at ngayon ay papunta kami sa main house ng amo namin. Tahimik ang buong mansyon nang makapasok ako sa loob. Halos hindi marinig ang yabag ko habang sinusundan ko si ate Hazel sa loob ng napakalawak na hallway. Pilit ko rin kasing binubuhat ang aking mga paa para hindi ako makagawa ng in

