XELLONIA POV
BUMALIK na rin si Sir na may dala siyang papel at ballpen. “Oh, isulat mo dʼyan ang buo at totoong nangyari, iha. May ginalaw at kinuha ka ba sa kanya?” tanong niya sa akin.
Kinuha ko ang papel at ballpen, umiling sa kanya. “Wala po, Sir! Bukod sa nilagyan ko siya ng band—aid sa gilid ng labi niya, wala na po akong ginawa. Tanong lang ako nang tanong, hindi naman sumasagot. Mukhang nagugutom na rin po siya... Panay sabi po kasi ng pene... ʼDi ba po pagkain iyon? Iyong pasta. Wala naman na po akong pera para pakainin pa siya.” sabi ko sa kanya. Kaya nga nag—apply ako bilang Waitress sa Flavor of the Month Bar para magkaroon ng pera, pero 50/50 pa ako.
“Ganoʼn ba? Magsulat ka na lang dʼyan.” Tumango ako sa kanyang sinabi at nakita kong naglabas siya ng gloves. “Sir, kakapkapin lang kita para makita ang details ninyo.” Narinig ko ang kanyang sinabi habang nagsusulat na ako rito sa papel na kanyang binigay.
Hindi ko na sila pinagkaabalahan pa at ako ay naka—focus sa aking pagsusulat.
“...Hindi ko siya maiwanan sa lugar na iyon kaya humingi ako ng tulong sa dalawang taong nakita ko sa parking lot ng Flavor of the Month Bar na silang kasa—kasama kong nagdala sa lalaking ito rito sa Police Station. Iyon ang lahat ng nangyari habang kasama ko siya.” mahabang sabi ko sa huling sinulat ko sa papel at lumingon muli ako sa kanila, nakita kong may dalawang pulis na muli siyang kasama, bale tatlo na sila.
“Um, Sir, tapos na po akong magsulat. Pʼwede na po ba akong umalis? Magha—hatinggabi na rin po kasi at sa Kyusi pa po ako nakatira,” sabi ko sa kanila.
11:30PM na ayon sa wall clock na nandito sa Police Station.
Tinignan ako ni Sir habang may hawak na wallet, mukhang kay Mister iyon. “Sige. Pʼwede ka na umuwi. Kami na bahala kumontact sa pamilya niya.” Tumango ako sa kanyang sinabi at tumayo na rin ako.
Tinignan ko muna si Mister na nakasandal pa rin sa upuan at pulang—pula ang mukha.
Bakit naman kasi naglalasing siya kung hindi naman niya kaya?
Ang mga lalaki talaga... Sakit sa ulo.
Lumabas na ako sa Police Station dahil clear na ang name ko, pero may kung anong force ang nagpahinto sa akin kaya muling napatingin ako sa loob ng police station.
Iniwan ko na roon ang lalaking nakita ko sa gilid ng Flavor of the Month kanina. Pero, kinakabahan ako na dapat lang bang iwan ko siya?
Siguro naman hindi siya pababayaan ng mga police? Lalo naʼt nalaman na nila ang name nito, pero ako ay hindi ko alam.
Hindi ko kasi narinig ang sinabi nila at hindi rin ako sumilip sa IDs na kinuha nila sa kanyang wallet.
Panigurado namang ayos lang siya.
Oo, ayos lang siya, Xellonia. Tayo ang hindi magiging maayos kung hindi ako makakauwi sa amin.
Dumating ako sa bahay pasadong 12:45AM na. Dahan—dahan ang aking hakbang sa karog—karog naming bahay baka kasi marinig ako at magising sila. Nabunutan ako ng tinik nang makapasok na ako sa loob ng kʼwarto ko.
Hindi ko sila nagising.
Nagpalit na lang ako ng damit ko dahil inaantok na rin ako dahil sa pagod sa byahe. Nang makapagpalit ay nahiga na agad ako at inisip ang nangyari kanina.
“Sana ay nakauwi na siya, ano? Kargo konsensya ko ba kung hindi siya makakauwi? Dinala ko naman siya sa Police Station.” Ginulo ko ang aking buhok. “Huwag na natin isipin ang lalaking iyon, Xellonia. Panigurado namang nakauwi iyon. Mababait kaya ang mga pulis at mukhang mayaman ang lalaki. Kaya matulog na tayo at paniguradong magiging demonyo na naman ang mundo ko bukas.” saad ko muli sa aking sarili at natulog na nga ako.
“Xellonia? Ikaw talagang bata ka? Xellonia?”
Speak of the devil, sinisira na agad nila ang pinto ng kʼwarto ko. Napabangon ako sa kama at napaharap sa pinto na patuloy ang pagkabog nuʼn.
“Xellonia! Gumising ka dʼyan! Walang hiya kang bata ka! Lumabas ka dʼyan sa kʼwarto mo!”
Naririnig ko ang malakas na boses ni Mama na halos mabingi na naman ako at mabingi ang mga kapit—bahay namin.
“Lalabas na po!” malàkás kong sabi kahit antok na antok pa ako.
Napahikab ako nang buksan ko ang pinto at nakita ko ang mukha ni Mama na galit na galit ngayon.
“Ano po iyon?” kalmado kong tanong sa kanya.
“Anong ano ka dʼyan, ha? Kinain mo ba kagabi iyong ulam ng Papa mo at ni Gino?” bulalas niyang sabi sa akin.
Napakamot ako sa aking batok nang marinig ko iyon. “Ulam? Wala akong kinakain na ulam kagabi, Mama. Pagkauwi ko kagabi ay natulog na ako,” sabi ko sa kanya.
“Sino kumain iyon? Ikaw lang naman ang wala kagabi!” bulyaw niya sa akin.
Napahikab ako nang marinig ko iyon. “Ano naman kung wala ako kagabi? Hindi ako kumain ng ulam nina Papa at kuya Gino!” Hindi ko na rin napigilang mapasigaw.
“Gina, tama na iyan! Hindi naman talaga si Xellonia ang kumain. Si Randy ang kumain, umamin na ang anak mo. Hayaan mo si Xellonia na matulog pa!”
Nakahinga ako nang maluwag ng ipagtanggol ako ni Papa.
Tinignan lang ako ni Mama at biglang umalis sa harapan ko. Hindi man lang siya humingi ng sorry sa akin.
Iba talaga ang treatment niya kapag sa akin.
Dapat masanay na talaga ako, Xellonia.