CHAPTER 8

920 Words
XELLONIA POV “MISTER, may kasama ka po ba? Kung mayroʼn, nasaan ang mga kasama ninyo? Bakit hinayaan ka nilang nandito sa madilim na parte ng Flavor of the Month Bar? Ano pala ang pangalan mo?” tanong ko sa kanya pero deadmatology siya sa akin. Ano ba ito? Gusto ko lang naman umuwi na dahil nga ligwak ako sa inapplyan ko, pero heto pa ang napala ko. Gutom na ako. Pagod na rin. Higit sa lahat, inaantok na. Iyon ang nararamdaman ko ngayon. Pero, dumating pa ang Mister na ito, lalo akong nagkaroon ng problema. “Mister, maghintay ka rito, ha? Hahanap ako ng tulong. Hindi kita kayang ihatid ng police station dahil ang laki mong tao kaysa sa tulad kong payat. Hahanap ako ng tulong.” malakas na sabi ko sa kanya. “D—donʼt...” Napahinto ako nang hawakan niya ang aking kamay para mapigilan niya ako. “Anong donʼt go, Mister? Hinahanapan na nga kita ng tulong para makarating tayo sa police station kasi hindi kita kayang buhatin. Kaya anong donʼt go? Aba, Mister, pagod na ako, ha? Kaya stay there, okay?” malakas na sabi ko sa kanya. Tinanggal ko ang kanyang kamay sa akin at pinag—stay siya roon. Humahawak siya sa akin, hindi ko naman siya kilala. Lumakad na ako palayo sa kanya. Hihingi ako ng tulong. Nakatingin ako sa paligid para humanap ng makatutulong sa aming dalawa. Hindi ko siya kayang buhatin lalo naʼt mas malaking tao siya sa akin at mabigat din. Mas double or triple ang bigay niya kaysa sa akin. Palingon—lingon ako sa paligid hanggang may nakita akong babae at lalaki, mag—jowa yata sila. “Um, Miss and Mister? Excuse me, ha? P—pero, pʼwede ninyo ba akong tulungan? A—ano kasi... May lalaki roon sa gilid ng parking lot. L—lasing na lasing siya, dadalhin ko sana siya sa police station pero hindi ko kaya nff mag—isa. Pʼwede ninyo ba akong tulungan na dalhin siya roon?” mabilis kong sabi sa kanya habang hindi mapakali sa kinatatayuan ko roon. Nakita ko ang mukha nilang parang hindi naniniwala. “Ano... Hindi ito prank, ha? Hindi talaga! Kailangan ko na talaga ng tulong ninyo. Sige naman na? Para makauwi na ako sa amin,” sabi ko sa kanya. Nakita ko ang paghila ng babae sa kasama niyang lalaki. Nag—usap silang dalawa hanggang pumayag sila at sumunod sa akin. Nakahinga akong maluwag nang marinig ang sinabi nila kaya pinasunod ko sila sa akin. “Nandito siya.” mabilis kong sabi at nakita ng sinusundan nila ako. Napahinto na ako nang nasa harapan na namin ang Mister na ito. “H—heto siya, oh! H—hindi ko siya kayang buhatin papunta sa police station.” sabi ko sa kanila. Habang papunta kami rito sa Flavor of the Month Bar ay may napansin akong police station na malapit lang dito. “Pʼwede ninyo ba akong tulungan?” tanong ko sa kanilang dalawa. Tumango sila sa akin at inalalayan ng lalaki iyon ang Mister na ito. Naglakad kami papunta sa police station hanggang nakarating kami. Pareho kaming tatlo na hiningal. Pinaupo ng lalaki ang Mister na ito, bago sila umalis ay nagpasalamat ako sa kanila. Nakakahiya. First time kong humingi ng tulong sa strangers dahil lang sa Mister na ito. “Iha, anong kailangan ninyo?” Nawala ang tingin ko kay Mister dahil napalingon ako sa aking likod, nakita ko ang isang lalaking na naka—bughaw na damit at itim naman ang kanyang pants, pulis. “Ah, Sir, kailangan niya po ng tulong. Hindi ko po alam kung taga—saan po siya. Nakita ko lang po kasi siyang nakahandusay sa may gilid ng parking lot sa Flavor of the Month Bar po. Hindi ko naman po makausap nang maayos dahil puro ungot lang po ang sinasagot sa akin,” mahabang explanation ko sa kanya. Tinignan ako ni kuyang Pulis. “Baka naman jowa mo ito? Tapos naghiwalay na kayong dalawa kaya naglasing, ha? Tapos ayaw mong ibalik sa kanila kasi naghihintay ang new boyfriend mo sa bar na iyon.” Napangiwi ako sa kanyang sinabi. Wow, hindi ko alam na story maker si kuyang Pulis, ha? Dapat gumawa na lang siyang story, ano? Umiling ako sa kanya. “Ay, walang ganoʼn, Sir. Single po ako since birth and virgin pa po ako. Ang dami ko nga pong problema sa acads ko kaya bakit magdadagdag pa po ako.” salungat ko sa kanyang sinabi. “Talagang hindi ko po siya kakilala. Nakita ko lang siya roon... Akala ko po ay nagpa—prank lang po ito. Alam ninyo naman po... Ang daming content creator sa atin. Hindi mo na alam kung sino ang totoo.” dagdag na sabi ko sa kanya. Nakita ko ang kanyang mga mata na naniningkit pa. Mukha ba akong nagsisinungaling sa kanyang paningin? Hindi siya pʼwedeng maging detective. Makukulong sa kanya ang inosente. “Kung nagsasabi ka talaga ng totoo, maghintay ka dʼyan, iha. Kukuha ako ng papel para isulat mo roon ang totoong nangyari kung paano mo siya nakita.” Tumango ako sa kanyang sinabi. “Okay po, Sir.” Sumaludo ako sa kanya at tumalikod na sa akin. Akala ko hindi pa rin siya maniniwala, eh. Sa ganda kong ito? Teka, maganda ba ako? Ay, ewan! Magsusulat na lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD