XELLONIA POV TATLONG araw na ako rito sa bahay nina Master Santi and Master Vill, iyon ang tinatawag ko sa kanila. Tatlong araw na ang nakalipas pero hindi pa rin ako sanay na gumigising sa ganito kagandang bedroom. Ibang—iba talaga sa kʼwarto ko roon sa amin. Mabilis ang naging kilos ko para makapagsilbi na agad dito. Kasambahay ako. Kaya kailangan kong gawin ang aking trabaho. Lumabas na ako sa kʼwarto ko at nakasalubong ko si Karen. “Good morning, Xellonia. Habang tumatagal ay paaga ka nang paaga gumigising, ha?” sabi niya sa akin. Tinignan ko siya. “Oo naman, tinapatan ko iyong gising dito. Oo nga pala, baccalaureate mass natin next Friday, ʼdi ba?” sabi ko sa kanya at pumunta kami sa kusina rito sa headquarters. Tumango siya sa akin. “Oo, may damit na ako. Kararating lang ng or

