XELLONIA POV SINUNOD ko na rin ang utos ni ate Lina, niluto ko na rin itong uulamin nila sa kanilang lunch. Maarte pala sila. Wala pang isang oras nang maluto ko na ang kanilang pagkain. Nilagay ko iyon sa lunch box nila. Nilagyan ko ng rice at tinoppings ng fried garlic. Sunod ko naman ay nilagay ang fried chicken breast at hiniwalay ang sauce nito. Handa na ang baunan nila, pero nasaan ang dalawang iyon? “Ate Lina, tapos na po akong magluto. Maglilinis na po ako sa master bedroom. Mauna na po ako,” sabi ko sa kanya at tinuro ang dalawang lunch box sa may kitchen top. “Sige, Xellonia. Ituturo ko na lang kina Master Santi and Master Vill ang pagkain na niluto mo. Matatapos na rin itong pang—lunch natin, pork menudo.” Napangiti ako sa kanyang sinabi at lumabas na ako sa kusina. Mab

