Isang linggo na ang lumipas mula sa lunch meeting na iyon kay Don Rafael. Isang linggong halos hindi kami natutulog. Isang linggong puro paghahanda, pagdududa, at pag-iingat. Sa loob ng pitong araw, naging mas seryoso si Lloyd kaysa dati. Hindi na siya basta-basta ngumiti. Hindi na siya nagbibiro. Lahat ng kilos niya ay kalkulado. Lahat ng desisyon ay pinag-iisipan ng dalawang beses. Minsan nga ay tatlo. Halos gabi-gabi kaming nasa opisina niya. Pinag-aaralan ang shipping manifests, binabalikan ang listahan ng crew, kinakausap ang mga contact sa port authority. Ako naman ang nag-monitor ng mga offshore accounts—iniisa-isa ang routing numbers, encryption keys, at mga dummy corporations na ginagamit bilang cover. Kung may butas man sa operasyon, hindi namin iyon hahayaang makalusot. Pe

