Chapter 7: Where Loyalty Begins to Bleed

1994 Words

Tatlong araw na ang lumipas mula nang mahuli niya ako. Tatlong araw na para kaming dalawang estrangherong napilitang magtrabaho sa iisang mundo, ngunit hindi na marunong tumingin sa isa’t isa. Hindi na niya ako kinakausap nang personal. Puro trabaho na lamang. Puro business. Wala nang good morning. Wala nang simpleng how are you. Wala nang kahit anong palatandaan na minsan ay naging mas malapit kami kaysa sa dapat. Parang bumalik kami sa simula—noong consultant lang ako. Noong wala pang nangyari sa amin. Noong wala pang mga gabing pareho kaming naging totoo. At masakit iyon. Mas masakit pa kaysa sa bala na tumagos sa braso ko noong isang operasyon. Mas masakit pa kaysa sa anumang pisikal na sugat. Dahil ang ganitong klase ng sakit, walang benda. Walang tahi. Walang painkiller. Ngayon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD