Chapter 5: Fault Lines

2000 Words
Isang linggo na mula sa gabing iyon. Isang linggo na hindi ko malimutan ang pakiramdam ng katawan ni Lloyd sa akin. Ang init. The weight. The way he held me after. Hindi lang basta paghawak. Hindi lang basta desire. It was possession. At mas nakakabahala doon… hindi ako lumaban. Isang linggo na akong nagigising sa kalagitnaan ng gabi, pawis na pawis, dahil sa panaginip kung saan magkahalo ang dalawang imahe—ang mukha ni Lloyd na malambing habang hawak ang pisngi ko, at ang mukha ng ama niya na nakangiti habang nasusunog ang bahay namin. Magkakadikit na parang dalawang anino. Pero kailangan kong mag-move on. Kailangan kong mag-focus sa mission. Ilang taon kong inihanda ang sarili ko para dito. Ilang taon ng pag-aaral, ng pagpasok sa forensic accounting, ng pag-embed sa tamang network para makarating sa De la Cruz Holdings. Hindi ako pwedeng masira ng isang gabi ng kahinaan. Kaya bumalik ako sa trabaho. Ngayon, nandito ako sa boardroom. Kasama ang management team. May presentation tungkol sa quarterly reports. Glass walls. Mahabang walnut table. High-backed leather chairs. Ang aircon ay malamig, pero mas malamig ang mga taong nakaupo dito. Sa ganitong silid ginagawa ang mga desisyon na pumapatay ng negosyo. At minsan… ng tao. Si Lloyd ay nandoon. Naka-suit. Professional. Parang walang nangyari sa amin. Charcoal gray ang suot niya ngayon. Italian cut. Walang gusot. Ang cufflinks niya ay platinum. Tahimik siyang nakaupo sa dulo ng mesa, fingers loosely interlocked, expression unreadable. Kung hindi ko alam ang pakiramdam ng katawan niya sa akin, iisipin kong hindi siya marunong magpakita ng emosyon. Pero paminsan-minsan, nakikita kong tumitingin siya sa akin. Yun bang saglit lang. Parang cheni-check kung okay lang ako. Hindi siya ngumingiti. Pero ramdam ko. Nakatayo ako sa harap. Nasa likod ko ang malaking LED screen na nagpapakita ng mga financial graphs. “Projected revenue growth is at 18.7% if we proceed with the Singapore logistics expansion,” sabi ko, steady ang boses. Sa papel, malinis ang numbers. Pero alam ko kung ano ang nasa ilalim. Layered shell corporations. Ghost subsidiaries. Capital inflows na nagmumukhang foreign investment pero galing sa illegal weapons trade at smuggling. Pinag-aralan ko ang mga galaw nila nang ilang buwan bago ako officially na-hire. And now I’m inside. Right at the center. Habang nagsasalita ako, hindi lang numbers ang tinitingnan ko. Pinag-aaralan ko rin sila. Ang CFO — pawisin kahit malamig ang kwarto. Isang director — hindi makatingin nang diretso kay Lloyd. Isang matandang board member — tahimik pero may hawak na rosary sa ilalim ng mesa. Fear. Guilt. Loyalty. Control. Ito ang totoong currency sa silid na ito. “Risk exposure remains minimal as long as the offshore routing remains undisclosed,” dagdag ko. May isang director na nagtanong tungkol sa regulatory audits. Sinagot ko nang detalyado. Kailangan nilang maniwala na loyal ako sa sistema nila. Para masira ko ito mula sa loob. Natapos ang presentation. Nakatanggap ako ng mahinang palakpakan. Nagbigay ng final remarks si Lloyd. His voice was calm. Controlled. Authoritative. “Good work, Ms. Reyes.” Professional tone. Pero ang mata niya ay sandaling tumigil sa akin. Just a second, but it feels like too long. Natapos ang meeting. Nagsi-labasan na ang lahat. Ako ay nag-pack na rin ng laptop ko. Habang inilalagay ko ang mga papeles sa bag ko, naramdaman kong may presensya sa likod ko. "Nathalia." Lumingon ako. Si Lloyd. Mas malapit kaysa inaasahan ko. “Yes?” "My father wants to meet you." Ang simpleng pangungusap na iyon ay parang malamig na tubig na ibinuhos sa ulo ko. Napatigil ako. Si Don Rafael. Ang lalaking dahilan kung bakit nandito ako. "When?" tanong ko. Kalmado ang boses ko. Walang bakas ng emotion. "Now. He's in his office. Top floor." Tumango ako. "Okay." Hindi ako pwedeng umatras. Habang naglalakad kami palabas ng boardroom, ramdam ko ang mga matang sumusunod sa amin. Sumama ako kay Lloyd. Sumakay kami ng elevator. Pinindot ang top floor. Fifty-fifth. Habang sumasara ang elevator doors, parang sinarado rin ang normal na mundo. Tahimik ang biyahe. Pero ramdam ko ang tension. Ang ugong ng makina ay parang heartbeat. Dumadaan ang mga numero. Sa stainless steel reflection, nakita ko ang sarili ko. Sa tabi ko, si Lloyd ay nakatingin diretso sa pinto. Jaw tight. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi masabi. "Just answer his questions," sabi ni Lloyd. Mababa ang boses. "Don't volunteer information. Don't lie. He can smell lies." Of course he can. Sinira niya ang buhay ko dahil sa isang “hinala.” "Noted," sagot ko. Saglit siyang tumingin sa akin. Mas personal na ngayon. "Are you nervous?" Kung alam mo lang. "No." Ding. Fifty-five. Bumukas ang elevator. Ang fifty-fifth floor ay ibang iba. Mas tahimik. Mas maluwag. Mas kaunti ang tao. Mas marami ang security. May dalawang lalaki sa dulo ng hallway. Hindi naka-uniform. Pero ang tindig nila ay militar. Ang mata nila ay hindi gumagalaw. Sa dingding, may mga artwork. Mga lumang black-and-white photos ng Tondo. Mga batang naglalaro sa baha. Mga lalaking nagbubuhat ng sako ng bigas. May secretary sa labas ng office. Matanda. Babae. Naka-corporate attire. Pero ang mata niya ay hindi pang-secretary. It was sharp. Observant. "Mr. Lloyd. Ms. Reyes. He's expecting you." Pumasok kami. Ang office ay mas malaki pa kaysa sa kay Lloyd. Floor-to-ceiling glass. Buong Metro Manila ang nasa ilalim niya. Isang lungsod na kaya niyang sindihan kung gugustuhin niya. Ang desk ay antique. Dark wood. Intricately carved. Sa likod nito ay isang malaking painting. Tondo, circa 1980s. Isang batang lalaki ang nasa gitna ng larawan. Hubad ang paa. May hawak na bote. Nakatingin diretso sa viewer. Alam ko kung sino iyon. Don Rafael De la Cruz. At sa likod ng desk ay nakatayo ang lalaking hindi ko malilimutan. Mas matanda na siya ngayon. Mas makapangyarihan. Mas delikado. Don Rafael De la Cruz. Matangkad. Hindi gaano kasing tangkad ni Lloyd. Pero ang presence niya ay overwhelming. Naka-three piece suit. Navy blue. Ang buhok niya ay may gray na. Ang mukha ay may wrinkles. Pero ang mga mata? Sharp. Calculating. Predatory. Tumingin siya sa akin. Matagal. Hindi lang ako tao sa harap niya. Isa akong asset. Isang risk. Isang posibleng threat. At alam kong ganoon din ang tingin ko sa kanya. Hindi siya ama. Hindi siya negosyante. Isa siyang target. "So you're Nathalia Reyes," sabi niya. Mababa ang boses. Authoritative. Ang boses na iyon. Mabagal. Kontrolado. Hindi kailanman tumataas. Hindi kailanman nagmamadali. Boses ng lalaking sanay na hindi kinokontra. "Yes, sir," sagot ko. “The consultant my son hired.” "Yes, sir." "The one who saved his life." Napatigil ako. Tumingin kay Lloyd. Sinabi niya? Si Lloyd ay walang reaction. Nakatayo lang sa gilid. Of course sinabi niya. Utang na loob. Utang na loob ang pinakadelikadong klase ng utang sa mundong ito. "Yes, sir," sagot ko. Lumapit si Don Rafael. Tumigil sa harap ko. Mas malapit ngayon. Mas personal. Ramdam ko ang init ng katawan niya kahit malamig ang opisina. Ang mamahaling cologne niya ay may halong sandalwood at something metallic. Blood? Imagination ko lang siguro. "Thank you," sabi niya. Simple. Pero may bigat. Hindi ito pasasalamat. Ito ay pagsusuri. "I was just doing what anyone would do." "No." Umiling siya. "Not anyone. Most people would run. But you? You jumped in front of a bullet. For my son. Why?" Ito na. Ang test. Ang unang tunay na tanong. Kung sasabihin kong dahil mahalaga siya sa kumpanya, masyadong corporate. Kung sasabihin kong instinct, masyadong mahina. Kung sasabihin kong wala akong takot, magiging suspicious. "Because he's important to me," sagot ko. Totoo. Pero hindi lahat ng totoo. Important. Sa plano ko. Tumingin siya sa akin. Matagal. Parang sinusubukan akong basahin. "Important," ulit niya. "Interesting choice of word." Hindi siya ngumiti. Pero kumurba ang isang sulok ng labi niya. Bumalik siya sa desk niya. Umupo. Sumenyas na umupo rin kami. Umupo ako. Hindi ako nagmadali. Hindi ako nag-atubili. Measured movements. Si Lloyd ay tumayo lang sa likod ko. Parang guwardiya. Pero hindi ako sigurado kung kanino siya nagbabantay. Sa akin? O sa ama niya? "Tell me about yourself, Ms. Reyes," sabi ni Don Rafael. Nag-lean back sa chair. Relaxed. Pero alam kong hindi. Alam kong sinusukat niya pa rin ako. Ang posisyon niya ay casual. Pero ang mga mata niya ay hindi. "There's not much to tell, sir. I'm a CPA. I've worked in forensic accounting for five years. I specialize in finding discrepancies in financial systems." Truth. Pero kulang. Hindi ko sinabi na sinadya kong mag-forensic accounting para matutunan kung paano itago at hanapin ang pera ng mga tulad niya. "And your family?" Napatigil ako. Ito ang pinaka-mapanganib na bahagi. Kung may nag-background check siya, alam niyang may sunog na nangyari. Pero hindi niya alam ang buong kwento. "I grew up in Quezon City. My parents died when I was young. House fire. I was raised by my uncle." Half truth. Ang apoy ay totoo. Ang dahilan ay hindi. "I'm sorry for your loss," sabi ni Don Rafael. Walang emotion sa boses. Parang scripted lang. Scripted nga siguro. Ilang beses na kaya niyang sinabi iyan sa mga pamilya ng mga taong pinapatay niya? "Thank you, sir." "And your uncle? Where is he now?" "He passed away three years ago. Heart attack." Totoo iyon. Si Tito Marco. Pero hindi heart attack. Tatlong bala sa dibdib sa isang madilim na parking lot. At ang CCTV? Nawawala. And the case was closed. "So you're alone," sabi ni Don Rafael. Hindi tanong. Observation. "Yes, sir." Tumango siya. "That makes you either very brave or very foolish. Working for us, I mean. Most people would be scared. But you? You seem... comfortable." Comfortable? Hindi. Sanay lang akong magtago ng emosyon. "I've learned that fear is useless. It doesn't change anything." Ngumiti siya. Hindi malapad. Pero may approval. "Wise words. Did your uncle teach you that?" Kung alam mo lang kung paano siya namatay. "Life taught me that." Tumayo siya. Lumapit sa bintana. Nakatingin sa labas. Tahimik ang opisina. Naririnig ko ang mahina at malayong ingay ng lungsod sa ibaba. "I built this empire from nothing," sabi niya. Mahinang boses. Pero may pride. "Forty years ago, I was nobody. Just a poor boy from Tondo. But I had ambition. And I had the willingness to do what others wouldn't." Alam ko ang ibig sabihin niya. Lumingon siya sa akin. "Do you have that willingness, Ms. Reyes? The willingness to do what needs to be done, even if it's difficult? Even if it's morally questionable?" "I do, sir. As long as it aligns with my goals." Strategic. Hindi submissive. Hindi rebellious. "And what are your goals?" "To be successful. To be secure. To never be helpless again." Ang huling linya ay totoo. Never helpless again. Tumango siya. "Good answer. Because in this world, helplessness is death. And I don't tolerate weakness." Of course you don't. Ikaw ang dahilan kung bakit may mga taong nagiging helpless. Bumalik siya sa desk. Umupo. Nag-lean forward ngayon. "My son trusts you," sabi niya. "That's rare. He doesn't trust easily. So I'm going to give you the benefit of the doubt. But understand this, Ms. Reyes. If you betray us, if you betray my son, there will be consequences. Severe consequences. Do you understand?" Narinig ko ang hindi niya sinabi. Tumingin ako sa kanya. Diretso. Walang takot. "I understand, sir." At sa loob ko: Balang araw, ikaw ang makakaintindi ng consequences. "Good." Tumayo siya. "You may go. Lloyd, stay. We need to talk." Tumayo ako. Hindi ako tumingin kay Lloyd. Hindi ako tumingin muli kay Don Rafael. Lumabas ako ng opisina. Huminga ako nang malalim. Hindi ko namalayan na pinipigilan ko pala ang hininga ko habang nandoon. Parang galing ako sa ilalim ng tubig. Ang presensya ni Don Rafael ay nakaka-suffocate. Parang apoy na sobrang init. Kapag lumapit ka nang sobra, masusunog ka. Pero ang mas nakakatakot? The fact na nakita ko siya. Face to face. Hindi ako sumigaw. Nandito na siya. Sa harap ko. At gusto kong suntukin. Saksakin. Patayin. Pero hindi pwede. Hindi pa. Kailangan kong mag-focus. Kailangan kong mag-plano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD