Chapter 2: The Devil’s Heir

1929 Words
Tatlong araw na akong hindi umuuwi sa apartment ko. Nandito lang ako sa office. Nakatitig sa monitor. Sinusuri ang mga financial statements. Hinahanap ang mga discrepancies na sinabi ni Lloyd. At nakahanap ako ng marami. Sobrang dami. Ang logistics subsidiary ng De la Cruz Holdings ay may shell companies. Mga kumpanya na wala namang tunay na operations. Ginagamit lang para mag-transfer ng funds. Laundering. Classic money laundering scheme. Pero ang kagandahan? Ang galing ng pagkagawa. Kung hindi ako sanay sa ganitong klase ng investigation, hindi ko makikita ang pattern. Pero nakita ko. At ngayon, alam ko na ang isa sa mga lihim ng De la Cruz empire. Maya maya ay may kumatok sa pinto. Si Elena. "Ms. Reyes? May meeting si Mr. De la Cruz with you in thirty minutes." "Thank you." Umalis siya. Nagsave ako ng lahat ng files. Nag-print ng summary report. Inayos ang mga papeles. Thirty minutes later, nasa office na ako ni Lloyd. Nakaupo siya sa desk niya. Nag-aassess ng ibang documents. Naka-reading glasses. Bagay sa kanya. Mas sophisticated ang dating. "Sit," sabi niya, without looking up. Umupo ako. Inilagay ang folder sa desk niya. Inalis niya ang glasses. Tumingin sa akin. "That was fast." "You said end of the week. Araw pa lang ngayon ng Huwebes." Kinuha niya ang folder. Binuksan at binasa ang summary report ko. Ang mukha niya ay walang reaction. Blank. Professional. Pero alam kong nag-iisip siya. Sinusuri ang bawat detalye. Ilang minutong katahimikan. Ang tanging tunog ay ang pihit niya ng pahina. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin. “You found them all,” sabi niya. Bago ako nakasagot, isinara niya ang folder at marahang ipinatong iyon sa mesa. Hindi niya agad ako tiningnan. Instead, he leaned back on his chair, fingers steepled under his chin, studying me like I was the real report. The silence stretched. Hindi ito yung tipong awkward na katahimikan. Ito yung klase ng katahimikan na ginagamit para mag-pressure. Para makita kung sino ang unang magsasalita. Hindi ako gumalaw. “You highlighted the transfers from three different holding accounts,” he continued calmly. “But what interests me is that you didn’t just flag them. You traced the layering.” Hindi iyon tanong. Observation iyon. “I follow trails,” sagot ko. “Kahit saan pa sila magtago.” His eyes flickered. “Do you?” he murmured. Tumayo siya at umikot sa mesa. Hindi nagmamadali. Hindi rin agresibo. Pero bawat hakbang niya ay may bigat. Huminto siya sa gilid ko. Too close. “Most people stop at surface discrepancies,” he said quietly. “They mark them. They report them. They move on.” Ramdam ko ang init ng presensya niya sa tabi ko. “But you,” he continued, “you dig.” Tumingin ako sa kanya. “That’s what you hired me for.” “Careful,” he said softly. “Digging in the wrong places can get you buried.” The warning was subtle. But it was there. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. “Then maybe don’t hide bodies in shallow graves.” For a split second, something flashed in his eyes. Amusement? Surprise? Danger. Then he smiled. “You’re bold.” “I’m honest.” “That’s debatable.” Lumayo siya ng kaunti at sumandal sa edge ng desk, arms crossed now. “You know,” he said, tilting his head slightly, “if you were working for a competitor, this report alone could destroy subsidiaries.” “Is that what you think?” tanong ko. “I think,” he replied evenly, “that power depends on who holds the information.” Ilang segundo ulit ng titigan. Then— “And right now,” he finished, “you’re holding a lot of it.” The weight of that statement settled heavily between us. He wasn’t accusing me. He was reminding me. That he was aware. That he was watching. At sa sandaling iyon, mas lalo kong naintindihan— Hindi lang ako ang nag-iinvestigate sa kanila. He was investigating me too. "I'm here because I want to be," sagot ko. Diretso ang tingin ko sa kanya. Walang kinang. "Because I'm tired of working for people who pretend to be clean. At least here, walang pretense." Tumigil siya sa harap ko. Ilang pulgada lang ang layo. Nakatingin pababa sa akin. Ang height difference ay napaka-obvious. "You're saying you prefer working for criminals?" "I'm saying I prefer working for people who don't lie about what they are." Tumawa siya, hindi dahil sa tuwa. "Interesting perspective." "Is it wrong?" "No." Bumalik siya sa desk niya at umupo. "It's refreshing, actually. Most people who work here are either scared or delusional. Pero ikaw? You're neither." Umupo ako ulit. "So," sabi niya. "What do you want me to do with this report?" "That's your decision, not mine." "And if I said I want you to destroy it? Pretend you never saw anything?" Tumingin ako sa kanya. "Then I'll destroy it." "Just like that?" "Just like that." Tumango siya. "Good. Because that's exactly what you're going to do." Kumuha siya ng lighter mula sa drawer niya. Ibinigay sa akin kasama ang report. "Burn it," utos niya. Kinuha ko ang lighter at ang report. Tumayo. Lumapit sa trash bin. Sinindihan ang papel. Nasunog ang report. Unti-unti. Naging abo. Bumalik ako sa upuan. Ibinalik ang lighter sa kanya. "Satisfied?" tanong ko. "Very." Tumayo siya. Lumapit sa filing cabinet. Kumuha ng isa pang folder. Mas makapal kaysa sa una. Ibinigay sa akin. "Your next assignment," sabi niya. Binuksan ko ang folder. Mas maraming documents. Pero ngayon, hindi lang financial statements. May contracts. Shipping manifests. Import permits. "What am I looking for?" tanong ko. "Anything that doesn't belong." "And when I find it?" "Report to me. Directly. No one else." Tumango ako. "Understood." "Good." Bumalik siya sa desk niya. "You can go." Tumayo ako. Pero bago ako makalabas, tinawag niya ako. "Nathalia." Lumingon ako. First time niyang tawagin ako sa first name. "Yes?" "Be careful," sabi niya. Ang boses ay mababa. Seryoso. "The deeper you go, the more dangerous it becomes. And I can't always protect you." "I don't need protection." Ngumiti siya. "We'll see." Lumabas ako ng office. Bumalik sa sarili kong office. Umupo sa desk. Binuksan ko ang folder. Tiningnan ang mga documents. At doon ko nakita. Shipping manifests from Mindanao. Declared cargo: construction materials. But the weight discrepancies? Too obvious. Hindi construction materials ang laman ng mga containers na iyon. Arms. Weapons. Siguro ammunition din. Illegal arms trade. Kinuha ko ang phone ko. Nag-text sa handler ko. "Found something. Arms shipment from Mindanao. Need authorization to proceed." Ilang minuto ang lumipas bago may reply. "Proceed. But be cautious. Don't expose yourself." Nag-reply ako. "Understood." Pero sa loob-loob ko, alam kong mahirap maging cautious. Kasi habang lumalim ako sa operations ng De la Cruz empire, mas nakikita ko ang extent ng kanilang krimen. At mas nalalaman ko kung gaano kadumi ang kanilang negosyo. Pero ang mas nakakatakot? Ang fact na kahit alam ko na ang lahat, kahit nakikita ko na ang kasamaan... Naaattract pa rin ako kay Lloyd. Ang paraan niya ng pagtingin sa akin kanina. Ang paraan niya ng pagsabi ng "Be careful." Parang may pake siya. Parang importante ako sa kanya. At iyon ang pinakadelikadong pakiramdam. Kasi alam kong hindi pwedeng totoo iyon. Alam kong trabaho lang ito para sa kanya. Test para makita kung mapagkakatiwalaan niya ako. Pero ang puso ko? Hindi nakikinig sa logic. Ang puso ko ay nagsasabing may iba. Na may connection kami. Na may something special. Umiling ako. Bumalik ako sa trabaho. Sinuri ang bawat document. Nag-note ng lahat ng discrepancies. Pero kahit anong pilit ko, hindi ko mawala sa isip ang mukha ni Lloyd. Ang paraan niya ng pagtawa. Ang paraan niya ng pagtingin. ___ Alas-otso na ng gabi nang magdesisyon akong umuwi. Pagod na ako. Masakit na ang ulo ko. Kailangan ko ng tulog. Nag-impake ako ng gamit. Nag-log out sa computer at lumabas ng office. Ang hallway ay madilim na. Iilan lang ang ilaw na bukas. Ang karamihan ng offices ay sarado na. Wala nang tao. O akala ko walang tao. Habang naglalakad ako papunta sa elevator, narinig kong may bumukas na pinto. Si Lloyd. Lalabas ng office niya. Nagkatinginan kami. "Working late?" tanong niya. "I could ask you the same thing." Ngumiti siya. "Touché." Lumapit siya sa akin. Naglakad kami pareho papunta sa elevator. Pinindot niya ang button. Naghintay kami. Tahimik. Awkward. "Have you eaten?" tanong niya. "Not yet." "Me neither." Tumingin siya sa akin. "Join me for dinner." Hindi tanong. Utos. "I don't think--" "It's not a request, Nathalia." Bumukas ang elevator. Pumasok siya. Naghintay na pumasok ako. Wala akong choice. Pumasok ako. Pinindot niya ang ground floor. Sumara ang pinto. Nag-iisa kaming dalawa sa loob. Ang tension ay naging mabigat. Parang may kuryente sa pagitan namin. "There's a restaurant nearby," sabi niya. "French cuisine. You'll like it." "I'm not really in the mood for--" "You need to eat," putol niya. Tumingin siya sa akin. "And I need to talk to you. About the assignment." Ah. Trabaho lang pala. "Fine." Bumaba kami sa ground floor. Lumabas ng building. Sumakay sa sasakyan niya. Black Mercedes. Brand new. Leather seats. Malambot. Comfortable. Nag-drive siya ng tahimik. Ang stereo ay may classical music. Piano. Calming. Ilang minuto lang, dumating na kami sa restaurant. High-end. May valet parking. Bumaba kami. Pumasok. Ang maitre d' ay lumapit agad. "Good evening, Mr. De la Cruz. Your usual table?" "Yes." Dinala niya kami sa private corner. May view ng Manila Bay. Ang sunset ay maganda. Orange and pink. Umupo kami. Binigyan ng menu. "Order anything you want," sabi ni Lloyd. Tiningnan ko ang menu. Mahal. Sobrang mahal. Ang cheapest dish ay limang libo. Di maiwasang panlakihan ako ng mata. "I'll have the salmon," sabi ko. "And I'll have the steak. Medium rare." Ibinalik niya ang menu sa waiter. "And a bottle of your best red wine." Umalis ang waiter. Naiwan kaming dalawa. "So," sabi ko. "What did you want to talk about?" Tumingin siya sa akin. Seryoso. "About the arms shipment you found." Napatigil ako. "How did you..." "I know everything that happens in my company, Nathalia. Including what my consultants discover." Shit. "I can explain--" "You don't need to," putol niya. "You did your job. You found the discrepancy. That's what I hired you for." "So you're not mad?" "Why would I be mad?" lumapit siya. Ang mga braso ay nakapatong sa table. "You're just doing what I asked." "But the arms trade--" "Is none of your concern." Ang boses niya ay mababa. Na para bang warning. "Your job is to find the numbers. Report to me. That's it. Hindi mo trabaho na mag-judge." Tumango ako. "Understood." "Good." Dumating ang wine. Binuksan ng waiter nagsalin sa bawat glass namin. Umalis ang waiter. Kinuha ni Lloyd ang glass niya. Nakipag-cheers sa akin. "To new beginnings," sabi niya. Kinuha ko ang glass ko. Nag-cheers din. "To new beginnings." Uminom kami. Ang wine ay matamis. Smooth. Probably worth thousands. "Tell me about yourself," sabi ni Lloyd. "Outside of work." "There's not much to tell." "Everyone has a story." "Not everyone wants to share it." Ngumiti siya. "Fair enough. Then I'll share mine first." At doon, sa harap ng sunset, habang umiinom ng wine, nagsimula siyang mag-kwento. Tungkol sa buhay niya. Sa pamilya niya. Sa ama niya. At sa bawat salita, mas lalo akong nakakaramdam ng guilt. Kasi ang lalaking ito, ang lalaking nag-kwekwento sa akin ngayon... Ay anak ng taong pumatay sa pamilya ko. At balang araw, kailangan kong wasakin ang pamilya niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD