bc

My Reborn Troublemaker (El Primo Series #2)

book_age18+
141
FOLLOW
1K
READ
billionaire
friends to lovers
arrogant
CEO
comedy
bxb
campus
enimies to lovers
sassy
friends
like
intro-logo
Blurb

[B×B] R-18 | TAGALOG STORY

Gyumin Sudiara (Curtis) life story…

Despite being wealthy, he was also known as “troublemaker” from his family, but they also respect the fact that he's gay.

To start a new life and prove to everyone that he's not troublemaker like what they thought, he flew back to the Philippines and continue his study there. But… a big trouble awaits in his new school.

Once the life of being a troublemaker student ended, he started to being a model and a businessman, but… all of his success turns into nothing when an “accident” happened. He thought that would be the end of everything, but… when he opened his eyes, he saw himself being reincarnated to someone's body!

Now, would he get this chance to live his given second life? Or he will keep his guilt for taking someone's body that's not even his? Will he use this second life to catch and get revenge on the suspects that killed him? Or he will just live a peaceful life, away from his past life…?

chap-preview
Free preview
Prologue: The Troublemaker?
"Gyu!" Isang malakas na sigaw ang bumungad sa akin sa bahay. "Ano 'tong narinig ko na nakipag-away ka na naman daw?!" sigaw sa akin ni Daddy. "Dad, pinagtanggol ko lang naman 'yong—" "Stop with that excuse!" sigaw ulit nito. Niyakap ni Mom si Dad. “Hon, huwag mong pagagalitan 'yang anak natin. Tama lang naman ang ginawa niya." Napangiti ako sa sinabi ni Mommy at saka pasikretong nag-thumbs up sa kaniya. Kinindatan naman ako nito pabalik. "Isa ka pa!" sigaw niya. "Kinukunsinte mo 'yang anak mo na lumaking nagbubulakbol." Napasimangot naman ako. Kailan pa naging pagbubulakbol ang pagtulong sa kapwa?! Dad closed his eyes because of frustration. "Wala na akong magagawa pa sa iyo, Gyu," seryosong sabi niya. Agad naman akong kinabahan sa tono ng pananalita nito at sa tingin niya. "What do you mean, Dad?" naguguluhan na tanong ko. "Pauuwiin kita sa Pilipinas," sagot niya. "Doon ka na lang muna kay Lola mo. Sigurado ako na titino ka sa kanila." Nanlaki ang aking mga mata at tumayo mula sa pagkakaupo. "What?!" I shouted. "No way!" "Yes way," seryosong saad nito. "Mom!" Tumingin ako kay Mom at nagmakaawa na tulungan ako ngunit umiling na lamang siya. "May nakahanda ng flight para sa iyo sa susunod na bukas. You will leave Korea and continue studying in the Philippines," my Mom said. Nangunot ang aking noo. "Did y'all planned this, didn't you?!" Dahan-dahan na lumapit sa akin si Mom at niyakap ako. "Para sa kabutihan mo rin ito, Gyu," bulong niya. "But y'all don't even know what is the thing that will make me good!" sigaw ko sa kanila. "Because you didn't even say so," Mom said. "Because I know y'all just question it anyway," wika ko at saka bumitaw sa pagkakayakap ni Mom at umakyat sa kwarto. Padabog kong sinara ang pinto. Narinig ko pa ang sigaw ni Dad. "Gyu! Ayos-ayusin mo 'yang pag-uugali mo!" sigaw niya. Naupo ako sa kama at saka nag-isip-isip. Kung hindi ko ba niligtas ang lalaking iyon ay mananatili pa rin ako rito sa Korea? Maayos naman ang ugali ko... sadyang puro mali lang talaga ang nakikita nila. Ano ba ang kailangan kong gawin upang hindi nila ako pilitin na umuwi sa Pilipinas? Natigil ako sa pagda-drama ng makita ko ang isang picture frame. Kinuha ko ito at saka pinagmasdan. Napangiti naman ako. Picture namin itong dalawa ni Lola. Kay tagal na rin pala simula nang huling dalaw ko roon sa kaniya. Simula kasi nang mag-highschool ako ay mas lalo ko pang ginalingan sa pag-aaral ngunit mukhang iba naman ang nakikita ng mga magulang ko. Hinawakan ko ang mukha niya sa kaniyang litrato. "Lola, miss na miss na kita ngunit ayaw ko rin naman na umalis dito," bulong ko. "Sino na lang ang mag-aalaga kanila Mom at Dad? Sino na lang ang titigil sa away nila kapag wala na ako?" Napabuntong hininga na lang ako. Hindi lang naman ako kanila Mom at Dad nag-aalala. Nag-aalala rin ako para sa sarili ko. Kaka-eighteen ko pa lang pero papapuntahin na agad nila ako sa Pilipinas ng mag-isa. Paano kung maligaw ako roon? I'm sure that I will have culture shock if I continued my study there. Napabuntong hininga na lang ulit ako at saka napahiga sa kama. Naalala ko rin na hindi kami masyadong malapit ng mga pinsan ko sa isa't isa. Noong huli nga naming kita ay may kaniya-kaniya silang mundo. Mabuti na lang at sanay rin ako ng mag-isa dahil nag-iisa lang din naman nila akong anak. Wala na akong nagawa kun'di ay tumayo at maghanda ng mga gamit. Kapag nagdesisyon si Dad, kahit si Mom hindi na iyon mababago. "Gyu?" tawag mula sa labas ni Mommy. Agad ko namang binuksan ang aking pinto at pinapasok siya. "Bakit, Mom?" tanong ko. "Pasensya ka na. Wala na talaga akong magagawa sa desisyon ng Daddy mo," malungkot na wika niya. I kissed her forehead. "Don't worry, Mom. I'm sure it will be fine for me. Besides, this is what my Dad wants, do I have the rights to change it?" She sighed. "Dadalawin ka na lang namin tuwing pasko." Tumango naman ako. "Maghahanda na muna ako para sa flight, Mom." Hinalikan ako ni Mom sa noo. "Sige, 'nak. Kung may kailangan ka, huwag kang magdalawang isip na sabihin sa akin." Tumango na lang ako bago sinara ang aking pinto sa kwarto. Napabuga na lang ako ng malakas na hangin nang ma-realize na kahit kailan ay hindi nila ako madadalaw sa Pinas tuwing pasko dahil marami silang business trip kapag mga ganoong okasyon. "Kailangan ko pa ba 'to?" tanong ko sa sweater na lagi kong sinusuot lalo na kapag winter season. I shrugged my shoulders. "Bahala na si batman." Natigil ako sa pagsasara ng aking bagahe nang may kumatok ulit sa kwarto ko. Agad ko naman iyong binuksan. "Mom, hindi ba't sabi ko sa iyo—" Natigil ako sa pagsasalita nang makitang si Daddy pala ang nasa labas ng kwarto ko. "Dad..." tawag ko rito. "Hindi mo ba ako papapasukin?" Ngunot-noong tanong niya. Agad naman akong nataranta at binuksan ng malawak ang pinto. Dala na rin siguro sa pagkataranta ay nauntog pa ako sa may pinto. Napailing-iling na lang ito. "Clumsy as always." Nakita kong nilibot ng kaniyang mga mata ang kabuuan ng aking kwarto. Napangiti na lang ako dahil doon. To think of it, it's been so long since my Dad last entered my room. Maybe, I was just 5 or 7 years old when he last came to my room...? "Hindi pa rin talaga nagbabago ang color taste mo," wika niya. Napakamot na lang ako sa aking batok. Paborito ko kasing kulay ang abo at itim kaya lahat ng gamit ko sa kwarto ay ganito rin ang kulay. "Kumusta ka na?" tanong niya. Nanlaki ang aking mga mata. Napatikhim naman ako nang tumingin siya sa akin. "Ayos lang naman, Dad," saad ko rito. He giggled and faced me. Napapikit na lang ako dahil akala ko ay kung ano ang gagawin niya sa akin ngunit agad din nagmulat ang aking mga mata nang guluhin nito ang aking mga buhok. "You really grew up." Natulala ako sa kaniyang sinabi. Hindi ko alam kung isa ba iyong compliment o kung ano pa man ngunit ngayon na lang ulit kami nagka-usap ni Dad ng personal. "Ah—" Natigil ako sa pagsasalita nang mapansin na ako na lang ang mag-isa sa kwarto. Napailing-iling na lang ako at napangiti. It's been a long time, Dad…

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG III

read
366.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
107.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
131.6K
bc

NINONG II

read
620.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
70.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
162.4K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook