Ikalabing-tatlong Yugto

2627 Words
Tatlong araw na lang ay pasko na. Tapos na ang lahat ng kabahayan sa paglalagay ng mga makukulay na palamuti at pag-aayos ng mga dekorasyong para sa okasyon na iyon. Mas nagkaroon ng buhay ang lugar dahil dito. Kahit sa kaagahan ay may mga bata nang nangangalembang upang mangarolling. Sagana ang kanilang mga supot ng kendi at iba’t-ibang uri ng tsokolate. Sa direksyon naman ng bahay ni Tandang Gresa ay nananatili itong madilim at walang buhay. Samantala, tanging ang magkapatid na sina Andrea at Avah lamang ang natira sa bahay sapagkat abala ang iba para mamili sa Noche Buenang ihahain. Sa loob ng mga nakaraang araw mula ng gabing iyon ay wala itong malay. May pinadala nang medical na doktor upang busisiin ang kalagayan ng dalaga. Wala naming nakitang mali sa pisikal na pangangatawan ni Andrea at tanging pahinga lamang ang suwestiyon ng doktor. Binigyan din ng gamut para sa mga sugat nito at bitamina na makakapagpalakas sa katawan ng dalaga. May mga sugat pa rin siya sa kamay at braso na mabilis na naghihilom. Samantala, si Avah naman, mas lalong naging tahimik, bihira magsalita at kapag kinakausap ay walang kib , palaging nasa sulok at naglalaro na para bang may kasama. Bibihira na rin lumabas kasama ang mga kaibigan na sina Miguel na pilit naman siyang iniintindi sapagkat nakaabot sa kanila ang balita tungkol sa nangyari sa nakatatandang kapatid nito. “Avah! Saluhin mo!” “Avah ang bola!” “Avah maglaro tayo!” “Sumama ka sa akin!” “Hindi na tayo maghihiwalay kahit kailan.” “Sa akin ka lang.” “Habangbuhay.” “AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!” Ang mga boses na iyon ay nagpamulat ng mga mata ni Andrea. Ngunit wala namang kahit sinong nasa silid niya. Mag-isa lamang siya rito. Napatitig siya sa mga benda na nakatapal sa kaniyang mga kamay at katawan. Hinawakan niya ang kaniyang ulo sapagkat bahagyang nakadama siya ng hilo. Ilang araw ba namang nakatulog at nakahiga lamang. “Ano bang nangyayari sa akin?” Tanong niya sa sarili. Inobserbahan niya ang silid. Tahimik lamang. Wala ang kapatid na si Avah. Ang mga laruan nito ay hindi pa rin organisado. Pinilit niyang tumayo sa kabila ng kaniyang pagkahilo. Hindi na ganun kumikirot ang kaniyang katawan. Inayos niya isa-isa ang mga iyon. Hindi niya ito gawain, ngunit mas gusto niya iyon gawin kesa ang humilata lang. “Avah…Rosa…” Banggit niya. Sa kabila ng pagkakahimbing niya ay hindi niya maaaring malimutan ang mga narinig at nalaman sa lola. Hindi pa rin nito mapagtanto kung ano ang totoong nangyayari ngunit nasisiguro nitong may koneksyon ito sa matanda na si Tandang Gresa at ang mga nangyayaring kababalaghan sa kaniya. Nang matapos sa ginagawa ay bumaba siya. Walang ibang tao maliban kay Avah na tahimik na nagpipinta sa salas. “Avah?” “Ate? Ate gising ka na!” Pagtayo ng bata. Sinalubong siya nito. “Bakit ka tumayo agad?” “Ayos lang naman ako huwag kang mag-alala. Asan sila mama? Si papa? Lola? Bat ka nag-iisa lang dito.” “Hindi naman siya nag-iisa.” Wika ni Rosa na nasa tabi lang naman ni Avah. Tanging si Avah lang din ang nakakakita at nakakarinig ng presensya niyo. Hindi pinahalata ni Avah ang tinuran na iyon ng kaibigan at sa halip aty tumugon sa nakatatandang kapatid. “Si mama at si lola po magkasamang namili para sa ihahanda natin sa pasko. Si papa naman may ginawa para sa trabaho saglit. Babalik din daw po sila dito. Ay teka! Sabi pala sa akin ni mama, tawagan daw ang doktor pag may nangyari sa iyo! Saglit---“ “Huwag na. Hindi na kailangan. Ayos lang ako.” Papigil ng kapatid sa kaniya na aaktong tatakbo malapit sa telepono. “Nakita mo na Avah? Ayos lang siya! Baka pati ang pagkakawalan niya ng malay ay isisi mo sa akin. Wala talaga akong ginagawa.” Pagdepensa ni Rosa na hindi muna muling pinansin ni Avah. “Sige po ate. Kung may kailangan ka sabihin mo lang sa akin! Matutuwa sila mama pag nakitang ayos ka na!” Mababakasan ng tapat na galak ang mga salitang iyon ni Avah para sa kapatid. Nirolyo naman ni Rosa ang kaniyang mga mata. “Salamat Avah.” Muling naalala ni Andrea ang mga napagtatanto at hinuha tungkol sa kapatid at napawi lamang iyon dahil sa magkakasunod na katok. *tok* *tok* *tok* *tok*   Mabagal at mahihinang katok na iyon sa pintuan ang nagpaalerto sa kanila. Siguradong hindi iyon galing sa lola, mama o papa nila. Mahinang tinulak ni Andrea ang kapatid patungo sa kaniyang likod na bahagi. Siya na ang naglakad patungo sa katok na iyon. Nang pihitin niya na ang seradura ay agad siyang napaatras sa hindi inaasahang bubungad sa kaniya. May hawak-hawak pa itong bolang kulay rosas. Wala pa rin namang pinagbago ang histura nito mula sa pagiging nakakatakot na matanda na laging nakaitim. "Tandang Bruha... E-este, Ta-tandang Gresa." Di makapaniwalang banggit ni Andrea. Nais pa niya sanang kusutin ang mga mata ngunit naagaw ang atensyon niya ng hawak-hawak nitong pamilyar na laruan. "Ano pong kailangan niyo? Napadayo kayo rito?" Panimulang tanong ni Andrea na hindi nagpasindak sa atmosperang bumabalot sa matanda. Lumipas muna ang ilang segundo bago nagsalita ang matanda na nakatingin lamang nang pagkatalim-talim sa kaniya. "Si Avah." Sa garalgal na wika nito. Sumilip ang tinutkoy ng matanda mula sa likod ni Andrea. Bumilis naman ang pagtaas at pagbaba ng dibdib ng dalaga, tila may nagkakarerahang mga kabayo sa loob niya. Iwinaksi niya ang nararamdaman sapagkat baka mawalan ulit siya ng malay at ang mangyari iyon sa ngayon ay ang pinakahindi nararapat na mangyari sa pagkakataong ito. Nais niyang protektahan ang kapatid. "Ang kapatid ko? Bakit naman? Ano ang kailangan mo sa paslit na kagaya niya? Kung may sasabihin ka sa akin mo sabihin." Gumawa pa siya ng isang hakbang paatras upang itago muli ang ulo ng kapatid na nakasilip sa matanda. Hinanap ng mga mata ni Avah si Rosa ngunit wala ito sa kahit saang sulok na para bang naglaho nang parang bula. Imbis na tugunin ng matanda ang malaotoridad na turan ni Andrea ay inabot na lamang nito sa kaniya ang kulay rosas na bola na siya rin namang kinuha nito. Nang maabot kamay na ni Andrea ang bola ay nabitawan niya ito sa sobrang gulat sapagkat agad siyang kinapitan ng matanda sa dalawang balikat nito. Napako ang kaniyang mga paa at nawala ang hilong nararamdaman dahil napalitan ito ng takot at pangamba. "Nasa panganib kayo ng pamilya mo lalong-lalo na ang kapatid mo. Huwag niyo nang paabutin sa gabi bago ang kapaskuhan!" Pagbababala nito. Napatiklop ang bibig ni Andrea sa di inaasahang sasabihin ng matanda. Nakaramdam siya ng takot lalo na nang titigan siya ng pagkatalim-talim ng matanda. "Sabihin mo. Anong mga nangyayari? May kakaibang kinikilos ba ang paslit na si Avah, tama ba ako?" Tanong ni Tandang Gresa at binitawan na siya nang marahan kabaligtaran ng pagiging marahas sa pagkakakapit sa kaniya. Nabalik naman ang tapang ni Andrea at tinugon niya nang nakakunot-noo. "Anong kailangan mo sa kapatid ko? Bakit mo kami pinagbabantaan? At paanong nasa iyo ang laruan niya? Ikaw. Ikaw siguro ang may pakana nito sa kaniya pati sa mga kababalaghan dito sa bahay." Sunod-sunod niyang saad. Kumunot din ng bahagya ang noo ng matanda na tila hindi inaasahan ang sasabihin ng dalaga. Pinoproseso niya ang mga sinabi nito at sandaling napahawak sa bibig sa mga pag-aalala. "Tama ako noh? May kinalaman ka sa mga nangyayari." Nakangising hinuha ni Andrea. Ibinaling muli ng matanda sa kaniya pero sa mga sugat na nito sa braso ito nakatingin. "San mo nakuha iyang mga sugat at pasa mo hija?" Madiing tanong nito. Agad namang hinimas ni Andrea ang sariling mga braso na gustong itago ang mga ito sa paningin ng matanda ngunit bigo rin naman siya. Iniiwasan ni Andrea ang kaniyang tingin dahil pag nalaman ng iba ang tunay na dahilan ay baka isipin na baliw siya gaya ng kaharap niya ngayon. “Ano bang pakialam niyo? Hindi mo sinagot ang mga tanong ko. Palibhasa tama ako. Pwes sisiguraduhin kong hindi niyo na kami magugulo ng kapatid ko.” “Hija. Hindi niyo ako kalaban dito. Gusto ko kayong tulung---“ "Umalis ka na Tandang Gresa. Pakiusap huwag niyo na kaming guluhin!" Saad ng dalaga at hinawakan na ng mabilis ang pintuan para pagsaraduhan ang matanda. Akmang isasarado niya na ito ay naharang iyon gamit lamang ang kanang kamay ni Tandang Gresa. "T-tandang Gresa? Ano ba? Umalis ka na sabi. Kundi, tatawag  na talaga ako ng tanod!" Hindi pagpapasindak ni Andrea. “Ate…” Pagpapakalma ng paslit mula sa likod at hinihila-hila pa ang laylayan ng kaniyang damit. “Avah, sabing magtago ka lang sa likod ko eh. Huwag ka nang sumuway!” “Pero ate…” "Ang batang babae ba ang may gawa ng mga sugat na iyan?" Kahit halos pabulong ang ginawa ng matanda ay narinig niya ito na nagpatigil sa kaniya. Malikot ang kaniyang mga mata at halos mawalan siya ng balanse sa panlalambot ng kaniyang mga tuhod sa pagkakaalala sa imahe ng bata na pinaglalaruan siya. "Makinig ka hia. Delikado si Avah sa araw ng kapaskuhan. Ang pulang laso---" Nahinto sa pagsasalita si Tandang Gresa nangg magsalita sa Andrea na animo'y maiiyak sa sobrang galit. "Tigilan mo nga sabi ang kapatid ko. Tigilan mo kami! Hindi ko hahayang may gawin kayo ng kapatid mo sa kaniya!" Tanging saad ni Andrea at kinandado padabog ang pintuan. Sinunod niya ring isarado ang bintana na kanina ay dinudungawan ni Avah.Huminga muna siya nang pagkalalim-laim para pakalmahin ang sarili. Isinuklay niya rin ang kaniyang mga daliri sa mahabang buhok. Nadako ang tingin niya sa kulay rosas na bola at kaniya iyong kinuha.  Si Tandang Gresa naman ay kaunting nagtagal sa tapat ng bahay ng magkapatid. Sa mga sinabi ng dalaga ay hinuha niyang alam na nito ang multo ni Rosa. Inangat niya ang kaniyang paningin. Nakatingin lamang siya sa pintuan na puno ng dekorasyon para sa darating na kapaskuhan. May bigla na lamang siyang naalala... "Ina! Ina! Hindi po ba tayo maglalagay ng palamuti para sa darating na pasko? Kagaya po ng lagi nating ginagawa?" Malungkot na tanong ng isang bata sa kaniyang ina na kasalukuyang hawak-hawak ang isang pulang laso. Sumilip nang panandalian sa dungawan ang bata upang ituro ang mga kapitbahay na nagsimula nang maglagay ng mga makukulay na dekorasyon. May mga pailaw pa ito at naglilikha ng munting tunog pampasko. “Ayon po ina oh! Kagaya po ng bahay nila Avah! May pulang  mga rosas na nakapalibot sa mga pader nila!” “Rosas…” Sambit ng ina. Sandali silang binalot ng katahimikan, lungkot at pangungulila. "Kahit gustuhin ko man ang nais mo anak. Pero ang pasko ang araw ng pagkamatay ng nakatatandang kapatid mo. Hindi tamang magdiwang tayo sa anibersaryo ng kaniyang kamatayan." Saad ng ina at may pumatak na luha mula sa kaniyang mga mata. "Alam ko na nandito lamang siya lagi sa tabi natin. Gusto ko na muli siyang makita. O Rosa… Mahal kong anak…" Dadgdad pa nito at niyakap ang pulang laso na tinuturing niyang pinakamahalagang-alala ng namayapang anak. "P-pero gusto ko pong magpasko ina." Sambit naman ng walang kamuwang-muwang na paslit. Nag-angat ng paningin ang kanyang ina at binalingan siya nang may matatalim na tingin. "Walang mangyayaring pasko sa loob ng bahay na ito Gresa mula ngayon. Hindi ka ba nakikinig sa sinabi ko? Hindi pwede!” “P-pero ina… ang pasko ay para sa mga bata…” “Kung ganun bakit kailangang mamatay ng kapatid mo sa mismong araw ng pasko?!” “Ina…” Tumulo na rin ang mga luha ng kawawang paslit. Tila wala na sa tamang pag-iisip ang kaniyang ina. “Bumalik ka na sa silid mo Gresa. Baka nandun lamang ang kapatid mo, baka naiinip at nais maglaro gaya ng lagi niyang pag-aaya sa atin ng paglalaro." Nanindig balahibo ang bata. Meron siyang taglay na kakayahan upang makita ang mga espiritu, at iyon ay kinasusuklaman niya sapagkat natatakot pa rin siya sa mga hitsura ng mga ito. “Bakit nakatayo ka lang diyan? Ang sabi ko ay bumalik ka na sa silid! At huwag na huwag kang aalis dun! Huwag na huwag mong iiwan ag kapatid mo… O mahal kong Rosa, O mahal kong anak…” Bahagyang tumaas ang tono ng boses ng ina niya dahilan para matakot siya at sundin ito. Hanggang sa dumating na nga ang araw ng kapaskuhan. Lahat ay nagdidiwang maliban na lamang sa isang bahay kung saan isang paslit ang umiiyak sa kaniyang madilim na silid sa sobrang kalumbayan. Nagluluksa ang kaniyang mga magulang at siya naman ay gayun din. "Maligayang kapaskuhan sa akin." Saad nito sa sarili at may kinuha sa ilalim ng kaniyang kama. Isa iyong kahon. Bigay ng kaibigan niya na si Avandine, kung tawagin ay Avah. Nang kaniya iyong binuksan ay wala itong laman dahilan para magtagpo ang makakapal na kilay niya. “Teka! Asan na… Bakit walang laman?” Maya-maya ay bahagyang lumamig sa buong paligid at nang lumingon siya ay nakita niya ang isang batang babae na nakabistida at nakaukit sa maputlang mukha nito ang mapaglarong ngiti. "Ito ba ang hinahanap mo kapatid ko? Ang manika na ito? Halika, Gresa maglaro tayo."             “Rosa…”     Bisperas ng Pasko. Mas kumapal ang hamog na bumabalot sa buong baryo. Nagsisisayawan ang mga puno’t halaman sa malakas ng bugso ng hangin. Ang mga ulap sa kalangitan ay nagsikapalan din na nag-uunahan takpan ang kalangitan na tila may nagbabadyang masamang bagyo. Ang buwan ay nakikita na kahit hindi pa tuluyang bumabagsak ang araw sakto sa repleksyon ng mga mata ni Avah na kasalukuyang nakadungaw sa bintana. “Avah, tapos mo na bang balutin ang mga regalo?” “Opo mama!” Sagot nito na hindi inaalis ang pagkakatingin sa buwan. Lahat ay abala sa pagluluto para sa ihahain sa Noche Buena at kabilang na diyan ang bahay ng magkapatid na Avah at Andrea. "Avah. Pakuha naman ng isang babasaging plato." Utos ng ina sa kaniya na masaya at sabik namang sinunod ni Avah. Si Rosa naman ay nakaupo sa sofa at nakahalukipkip ang mga braso sa dibdib na tila hindi natutuwa sa mga nangyayari. “Napakaingay. Napakaabala. Hindi kami makapaglaro ni Avah!” Singhal nito sa isang tabi at pinukulan nang pagkasama-sama ang mga tao sa buong bahay. "Avah! Inayos mo na ba yung mga regalo sa ilalim ng Christmas Tree?" Pagtatanong ng lola niya na nasa kusina. "Ay! Opo! Inutos na po iyan ni mama kanina! Nabalutan ko na rin po lahat!” Sambit naman ng apo at tumungo na sa kinalalagyan ng naturang puno para sa mga palamuti. Nais niyang siguraduhin na maayos pa rin ito. "Pst." Pagsisitsit ni Rosa sa kaibigan ngunit hindi siya nito napansin kaya nilapitan niya siya at tinabig ang mga regalong nakaayos na sa puwesto. "Rosa? Ba't mo ginawa yun?" Tanong ni Avah at muling inayos ang pwesto ng mga ito. Naparolyo ng mga mata si Rosa at muling binalik sa kinapupwestuhan. “Kasalanan mo. Masyado kang abala. Ang bata bata pa natin tapos masyado ka nang abala. Nakakainis. Nakakasuka. Dapat ay naglalaro lang tayo ngayon!” Umiling si Avah sa narinig, “Hindi Rosa, ganito kami pag may okasyon. Tulong-tulong. Lalo na ngayong pasko. Ang sarap kaya magbigay sa mga tao. Ang sarap din pag may natatanggap akong regalo!” “Regalo ba kamo?” Pagngisi ni Rosa. “Ou naman. Madalas mga laruan ang natatanggap ko. Tapos damit, tapos pera rin pero binibigay ko agad kanila mama para ipatago kaya lang mukhang nagagastos niya hehehe.” Tila natutuwang kwento niya habang patuloy na inaayos ang mga kahong sinira ni Rosa sa pagkakasipa. Tumayo si Rosa at masiglang lumapit paluhod sa kaibigan upang maging kapantay nito. Hinawakan niya ang baba ni Avah upang ibaling sa kaniya ang atensyon. Magkatapat na sila ng mukha ngayon at tila nalulunod si Avah sa mga mapupungay na mata ng kaharap. “Malapit mo nang matanggap ang regalo ko para lang sa iyo Avah. Hindi na ako makapaghintay. Paniguradong iyon ang regalong hinding-hindi mo malilimutan.” “Avah nasaan na pala ang ate mo? Hindi pa rin ba nakakauwi?” Nagbawi ng paningin si Avah at tumugon sa tanong ng kaniyang ama. “Hindi pa po siya dumarating! Pero baka pauwi na rin naman poi yon si ate!” Talagang abala si Avah kaya hindi niya magawang makipaglaro kay Rosa na siyang tunay na ikinaiinis nito ng sobra. "Sa ate mo na lang nga ako makikipaglaro." Saad niya dahilan para mapalingon sa kaniya si Avah. Nagtagumpay siya para makuha ang atensyon nito. Napangiti si Rosa. "Nais ko nang maglaro kasi. Pagbigyan mo na ako." "Ang bilis mo namang mainip. Hays" Wika ni Avah na napakamot pa sa ulo. "Hihihihi." Pagbungisngis ni Rosa dahil base sa reaksyon ng kaibigan ay wala na itong magagawa kundi ang makipaglaro sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD