-------- ***Azalea’s POV*** - Pagkatapos ng pag-uusap naming dalawa ni Aiden kagabi, sinabi niya sa akin na susunduin niya kami ni Yzari kinabukasan. Puro sakit at galit lang talaga ang nararamdaman ko, kaya hindi ko na naisip kung nakakahiya o nakakaabala man sa kanya ang gagawin niya. Napatango na lang ako sa gusto niya. Ang tanging hangad ko lang ay makausap ang kanyang ama upang malaman ko kung paano niya ako matutulungan. Sa pagkakataong ito, mas pinili kong lumapit sa ama ni Aiden kaysa sa mga magulang ni Yashir, kahit napakabuti nila sa akin. Anak pa rin nila si Yashir, at alam kong puprotektahan pa rin nila ito sa abot ng kanilang makakaya—katulad ng nangyari noon. Pinakasalan ako ni Yashir, pero ang alam ng mga taga-San Martin ay ako ang nang-akit sa kanya. Dahil para sa pamil

