------- ***Azalea’s POV*** - “Daddy!” masayang bulalas ni Yzari nang makapasok kami sa loob ng bahay. Agad siyang tumakbo palapit sa lalaking naroon sa sala. Agad na bumungad sa paningin namin si Yashir—nakatayo, tila nagulat sa biglaan naming pagdating. Hindi ko inasahang aabutan namin siya rito. Ang buong akala ko, nasa opisina siya, abala sa trabaho o kung saan man... o baka kasama na naman si Denise. Kaya’t nang makita ko siyang nakatayo sa gitna ng sala, parang may kung anong bigat ang biglang bumagsak sa dibdib ko. Napahinto ako sa kinatatayuan ko. Napaatras ng bahagya. Napaurong sa sakit sa isipin na nagawa niyang magtaksil sa kasal naming dalawa. “Y–Yzari, anong ginagawa mo rito? Bakit kayo—” “Ano ba dapat ang ginagawa namin dito, Yashir?” agad kong putol sa sasabihin pa san

