------- ***Azalea's POV*** - Kakalabas pa lamang nina Inay at Itay mula sa hospital room ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Napalingon ako kaagad, at si Aiden ang bumungad sa akin. Dahan-dahan siyang pumasok, may bahagyang ngiti sa labi, na kahit papaano’y naghatid ng kaunting ginhawa sa bigat na nararamdaman ko. Kahit pa mabigat pa rin ang pakiramdam ko—emosyonal at pisikal—nagawa ko pa ring gumanti ng ngiti. Alam kong pilit, ngunit totoo. Simula pa kanina, ginagawa niya ang lahat upang mapagaan ang loob ko, at nagpapasalamat ako roon. "Hi, kumusta ang pakiramdam mo?" tanong niya sa mahinahong tinig habang papalapit sa akin. Umupo siya sa upuang nasa gilid ng kama ko, ang kilos niya ay puno ng malasakit at pag-aalala. "Medyo gumaan na ang pakiramdam ko kahit may bahagyang sak

