------ ***Azalea's POV*** - "Anong sabi mo? Anong pagpapakasal ang pinagsasabi mo diyan?” sunod-sunod kong tanong sa kanya matapos kong pakalmahin ang sarili ko mula sa pagkagulat dahil sa narinig ko sa kanya. Nanlalaki ang mga mata ko habang sinasabi ko iyon. Totoo, naiisip ko siya. Totoo, pakiramdam ko ay may kulang. At hindi ko na rin gaanong naramdaman ang dating kasabikan nang malamang matutuloy na ang pag-alis ko kasama ang mga magulang niya papunta sa ibang bansa. Pero kahit kailan—kahit kailan—hindi ko naisip na hahantong kami sa kasal. Ang gusto ko lang naman ay malaman kung ano ang saloobin niya sa nalalapit kong pag-alis. Gusto ko lang marinig kung may kahit kaunting pakialam siya sa anak naming dinadala ko. Hindi ko kailanman hiniling na magpapakasal kaming dalawa. “Hind

