-------- ***Yashir’s POV*** - Pagkatapos ng dalawang buwan, tuluyan nang natapos ang kasal namin ni Azalea. Agad kaming pumunta ni Denise sa ibang bansa, sa Canada, at dito kami nagpakasal. Buong akala ni Denise na totoo ang kasal naming dalawa, wala siyang alam na peke lamang ito. Pinalabas ko na pinakasalan ko siya para mahuli ko ang loob niya. Nung una, okay pa ang trato ko sa kanya. Sweet pa ako. Kahit pa hindi kami nagtatalik na dalawa. Pinalabas ko na bawal sa kondisyon niya ang pagtatalik baka ma- delay na naman ang surgery niya. Pero unting- unti din na nagbago ang pakikitungo ko sa kanya. Simula sa emosyonal na pananakit. Dahil alam kong mas masakit ito. At unting- unti ko din gawin pisikal na pananakit. Yong tipong pakiramdam niya nasa impyerno na talaga siya. Tahimik ang g

