------- ***Yashir’s POV*** - Mahigit isang taon na kaming nandito ni Denise sa Canada. Sa bawat araw na lumilipas, sinisiguro kong impyerno ang maranasan niya. Hindi lang basta sakit—kundi ‘yung klaseng paghihirap na hindi niya matatakasan; ‘yung tipong paulit-ulit, araw-araw, walang humpay. Alam kong halos mabaliw na siya, pero ayokong tuluyan siyang mawala sa katinuan. Kapag tuluyan na siyang nabaliw, mawawala na rin ang saysay ng lahat—hindi na niya mararamdaman ang emosyonal na sakit na nais kong ipalasap sa kanya. “Walang hiya ka, Yashir! Bakit mo ba ginagawa ito sa akin? Ano bang kasalanan ko sa’yo?!” umiiyak ngunit galit ang tinig ni Denise habang nakaupo sa malamig na sahig. Isang paa niya’y nakakadena pa rin sa paanan ng kama. Ilang buwan na siyang ganoon—madungis, pawisan,

