------ ***Azalea's POV*** - Hindi ko na napigilan pa—kusang tumulo ang mga luha ko. Hindi dahil hindi ko alam kung paano ako makakabalik sa amin. Kaya ko namang sumakay ng tricycle pauwi. Ang totoo, talagang nainsulto lang ako sa ginawa ni Yashir. Pakiramdam ko'y parang paulit-ulit niyang tinatapakan ang dangal ko bilang isang tao. Buong akala ko'y sasamahan niya ako sa check-up ko sa doktor. Akala ko ay pupunta kami roon nang magkasama. Pero paano pa nga ba kami makakapunta kung iniwan niya ako sa kalsada—sa ilalim ng matinding init ng araw? Masama pa rin ang pakiramdam ko, pero pinilit kong huwag magpadala. Sunod-sunod ang malalim kong paghinga habang sinusubukan kong ayusin ang sarili ko. Nang medyo kumalma na ang damdamin ko at unti-unting bumuti ang pakiramdam ko, napagpasyahan k

