-------- ***Azalea’s POV*** - “Sana pagka-isipin mong maigi ang sinabi ko sa’yo, Azalea. Maghihintay ako sa magiging tugon mo,” basag ni Aiden sa katahimikan naming dalawa sa loob ng kotse. Tahimik kami kanina habang binabaybay niya ang daan pauwi. Wala ni isa sa amin ang nagsalita. Na para bang pinakiramdaman lang namin ang isa’t- isa. Hindi man ako nagsasalita, paulit-ulit namang bumabalik sa isipan ko ang sinabi niya sa akin kanina. Nakaka-engganyo talaga. Aminado akong natutukso ako. May parte sa akin na gustong sumugal, gustong makinig sa sinasabi ng puso ko. Pero kasabay ng pagnanasa ay ang alinlangang paulit-ulit ding kumakatok sa konsensya ko—ang bumubulong na huwag. Hindi ko dapat kalimutan ang katotohanan. Magpinsan sila ni Yashir. Magkadugo sila. Magkapamilya. At ayokong

