-------- ***Azalea’s POV*** - Parang isang eksenang hinugot mula sa isang fairytale book ang buong paligid. Mga bulaklak na tila sumakop sa bawat sulok ng garden venue—nakapulupot sa mga poste, nakaayos sa mahahaba at mamahaling mesa, at may mga talulot na animo’y kusang nalalaglag mula sa langit. May mga kristal na chandelier na nakasabit mula sa mga puting canopy, kumikislap kapag nasisinagan ng liwanag, habang mga butterflies na palutang-lutang sa hangin ay parang bahagi ng isang panaginip. Ang mga bata ay naka-ballgown at tuxedo, parang maliliit na prinsipe’t prinsesa na dumalo sa isang engkantadong selebrasyon. The theme of Yzari’s sixth birthday was “Enchanted Princess,” and nothing about the event looked simple or cheap. It was a multi-billion celebration that took us months to

