------ ***Yashir’s POV*** - “Yashir, mabuti naman at pinuntahan mo ako,” maiyak-iyak na sabi ni Denise habang papalapit sa akin. May bahid ng emosyon ang boses niya, halatang ilang araw siyang naghihintay na dumating ako. “Mula nung sa ospital, hindi mo na ako binisita. Galit ka pa rin ba sa akin?” Ang bawat hakbang niyang papalapit, pakiramdam ko’y parang tinik na tumutusok sa dibdib ko—hindi dahil sa awa, kundi dahil sa pigil na pigil kong galit. Sa loob-loob ko, gusto ko siyang sapakin. Punitin ang bawat masayang ekspresyon sa mukha niya na tila walang bahid ng konsensya. Na para bang wala siyang sinisira na buhay. “Sana naintindihan mo ang ginawa ko,” tuloy niya, habang nangingilid ang luha sa mga mata. “All I ever wanted was to spend my last moments with you… that’s how deeply I

