----- ***Azalea's POV*** - "Azalea, kalma lang, anak,” marahang bulong sa akin ni Aling Nora habang banayad na hinihimas ang likod ko, pilit akong pinapakalma sa gitna ng sakit na pilit kong nilulunok. Sa gilid ko naman, naroon si Aling Carla, mahigpit pero mahinahong nakahawak sa kamay ko, pinipisil iyon ng marahan— para bang sinasabi niya na hindi nila ako pababayan ni Aling Nora. Pinilit kong huminga nang malalim. Pilit kong inawat ang mga luhang gustong-gusto nang bumagsak mula sa mga mata ko. Pero mahirap… ang hirap-hirap. Parang may mabigat na nakapatong sa dibdib ko, binabara ang lalamunan ko, at pinipiga ang puso ko. Mula sa di kalayuan, naririnig ko ang masiglang halakhakan nina Yashir at Katrina. Masaya silang dalawa. Na para bang wala silang pakialam sa paligid kundi ang i

