------ ***Azalea's POV*** - Nakatayo ako sa tabi ni Donya Saskia, habang si Don Savino naman ay nakaupo sa gilid ng mahabang bench sa labas ng silid kung saan dinala si Yashir. Tahimik lamang siya, pero bakas sa bawat galaw at sa mahigpit na pagkakahawak niya sa hawakan ng upuan ang lalim ng kanyang pag-aalala. Wala mang salitang lumalabas sa kanyang bibig, kita sa mga mata niya ang kaba at bigat ng loob. Ako naman—hindi ko alam kung saan ako lulugar. Para akong batang nawawala, gustong umiyak, pero pinipigilan ang sarili. Pilit kong tinatago ang emosyon, pero sa loob-loob ko’y gulo-gulo na ang damdamin ko. Maya-maya, dumating ang doktor. Huminto siya sa harapan namin at huminga ng malalim bago nagsalita, na para bang pinipili muna ang tamang mga salita. “Stable na po ang kondisyon

