C37: Pangakong wala nang katuparan!

1999 Words

-------- ***Azalea's POV*** - "Itay, bakit po hindi ninyo tinanggap ang alok ni Don Savino? Para hindi na po kayo mahirapan sa trabaho—" Napatigil ako sa pagsasalita nang marahan akong hawakan ni Itay sa kamay. Napatingin ako sa kanya. Tahimik siyang nakatitig sa akin, habang si Inay ay nakaupo sa upuang nasa harapan namin, abalang nagtutupi ng mga damit. Bagamat wala siyang sinasabi, ramdam kong nakikinig siya sa aming pag-uusap. "Okay lang ako sa trabaho ko, Aza," wika ni Itay sa isang malumanay ngunit matatag na tinig. "Sapat na sa akin at sa inay mo ang tulong nina Donya Saskia at Don Savino para mapagamot natin nang maayos si Yasmin." "Sayang naman po," mahina kong tugon habang pilit nilulunok ang bigat na bumabara sa aking dibdib. "Giginhawa po sana kahit papaano ang pakiramdam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD