Hindi maalis-alis ang ngiti sa labi ko habang binabagtas ko ang daan pauwi sa aking condominium, dahil sa wakas ay napapayag ko ring makipagdate sa akin si Ma'am Tori.
Akalain mo 'yon pumayag siya sa kagustuhan ko, I will make sure magagandahan siya sa lugar kung saan kami mag de-date sa linggo at hindi ko hahayaang hindi ko siya mapangiti. Sisiguradohin kong mapapasaakin din siya kakaiba kasi talaga ang dating niya sa akin, and the more she hates me, the more ko rin siyang nagugustuhan hindi dahil sa pisikal niyang anyo kundi dahil sa ugaling meron siya. Tori is a kind daughter, sister, friend and granddaughter at naniniwala akong darating din araw na pati sa akin ay magiging mabait din siya.
Nang makauwi na ako sa aking condo ay sakto namang tumunog ang cellphone ko kaagad ko itong kinuha mula sa bulsa ng aking pantalon. It's my brother, Carter Anthony.
"What's up, Carter!" bungad ko agad sa kanya.
"Oh? Ang saya mo yata ngayon, nakailang rounds ka ba?" natatawang tanong nito sa akin.
"F**k you!" Humagalpak naman agad ito ng tawa sa kabilang linya.
"Napatawag ka?" tanong ko sa kanya.
Bihira lang kasi siya kung tumawag dahil sa uri ng trabaho nito, he's a soldier kaya kung busy ako ay mas busy ito.
"I'm going home this week," tugon niya.
"Really? that's great!" natutuwang sabi ko.
"Alam na ba nina Mama at Papa ang tungkol sa pag-uwi mo?" tanong ko pa.
"Nope. Actually gusto ko silang surpresahin kaya diyan muna ako sa condo mo tutuloy pag-uwi ko."
"Bakit sa condo ko pa kung pwede namang sa condo mo na lang ikaw dumiretso." May sarilling condo rin naman kasi siya kaya bakit sa akin pa siya uuwi.
"Come on, Draven ayaw mo ba akong makita? O baka naman may binabahay ka na naman riyan sa condo mo," pagdududa pa niya.
Minsan niya na kasi akong nahuli na may kasamang babae rito sa condo ko, just like what I said playboy ako noon pang good time ko lang ang mga kababaehan at siyempre para matugunan ang kailangan ko bilang lalaki. Pero ngayon matatapos na 'yon dahil dumating na ang babaeng nagpatino ng puso't isipan ko.
"Of course not, Carter and I'm done with it," seryosong saad ko.
"Whoa! Sounds new," natatawang tugon naman niya.
"Well, you have to believe me, Carter," giit ko pa sa kanya.
"Fine sabi mo, e." Napailing na lamang ako sa ugaling meron siya.
Actually we're both playful when it comes to women parehas din naman kasi kaming may ipagmamayabang hindi lang sa mukha at katawan pati na rin sa bagay na nasa pagitan ng aming mga hita. We can make woman scream in pleasure and tremble after a mind blowing and satisfied make out.
"May sasabihin ka ba pa? Kailangan ko na kasing maligo," tanong ko ulit sa kanya.
"With who?" Loko talaga.
"Ako lang siyempre, I told you right?"
"Fine, sige na just expect me to invade in your place within a week."
And with that I end our conversation, tumungo na agad ako sa banyo para maligo pagkatapos ay nagpahinga na ako.
KINABUKASAN, pagpasok ko pa lang sa station namin ay sinalubong na agad ako ng matalik kong kaibigan na si Rico.
"Kamusta tulog natin, buddy?" Kunot noo ko naman agad itong tinignan dahil sa klase ng tanong niya sa akin. Ang weird naman yata niya ngayon.
"Good, e ikaw ba?" tanong ko naman sa kanya.
"Okay pa sa alright." Naka score siguro 'to kay Charee kagabi.
"What's with you today, Bud? Nahihiwagaan kasi ako sa'yo."
"Masaya lang ako, Bud kasi nga magiging Tatay na ako."
Yeah, Charee is pregnant and Rico will be a Dad soon masaya ako para sa kanila ni Charee they're both good person kaya paniguradong magiging mabuting mga magulang din sila.
"Kamusta na nga pala si Charee at ang ipinagbubuntis niya?" tanong ko pa sa kanya.
"She's good and still gorgeous." Natuwa naman ako sa sinagot niya.
"Mahal na mahal mo talaga si Charee no?"
"Aba'y oo naman, Buddy wala na akong mahihiling pa pagdating sa kanya at hindi ako pwedeng magkamaling saktan siya dahil malamang tapat ako nito sa pamilya niya at sa pinsan niyang si Tori Marie," natatawang tugon pa nito sa akin na ikinatawa ko rin.
"Siya nga pala, Bud, kamusta ang panliligaw mo kay Tori?" tanong pa niya.
"Well, I'm glad that she's willing to go out on a date," tugon ko.
Manghang-mangha naman agad siya sa sinabi ko tila ba hindi ito makapaniwala na pumayag si Tori na makipagdate sa akin.
"Congratulations, Buddy nawa'y si Tori Marie na nga makakawakas ng pagiging babaero mo," natatawang turan niya na ikinakamot ko naman agad ng ulo ko.
Pagkuwa'y naging abala na kami sa aming mga trabaho sa buong araw.
Hanggang sa dumating na ang araw na pinakahinihintay ko ang araw ng linggo. Umaga pa lang ay excited na ako at ini-imagine ko na ang maaaring mangyari mamaya sa date namin ni Ma'am Tori. At hindi pwedeng hindi ko siya mapangiti mamaya lahat gagawin ko maging parte lang ako ng buhay niya.
Hinanda ko na rin ang susuotin ko para mamaya dapat presentable ako mamaya 'yong tipong may kliyente dapat akong mapapayag na makipagshare sa kompanya.
Hapon pa lang pero gusto ko nang bumilis ang oras para makita ko na ulit si Ma'am Tori. Pero ika nga nila patience is a virtue kaya tamang hintay na lang muna tayo.
Kasalukuyan akong nanunuod ng game sa TV, nang biglang tumunog ang cellphone ko agad ko itong kinuha sa center table upang sagutin ang kung sino man ang tumatawag. It's my mother, Leticia.
"Hello, Ma?" malambing kong tugon sa kanya sa kabilang linya.
"Hi, Son, how are you?" pangangamusta nito sa akin.
"I'm fine, Ma, kayo po ba ni Papa kamusta riyan sa bahay?" pangangamusta ko rin sa kanila ng aking ama.
"Ito, okay naman pero mas okay sana kung dadalaw ka rito. Can you come over, dinner, anak? Linggo naman ngayon." May dalawang araw ng linggo na rin naman kasi akong hindi nakadalaw sa bahay namin kaya namiss na siguro ako ng aking mga magulang.
"I'm sorry, Ma pero hindi po kasi ako pwede ngayong gabi," hinging paumanhin ko na agad kay Mama.
"Why? Noong nakaraan may lakad ka rin pati ba naman ngayon, mas importante pa ba iyan kesa sa amin ng Papa mo?" malungkot na litanya ni Mama.
Napabuntong hininga na lamang ako sa sinagot niya kung bakit kasi ngayon pa si Mama naglambing nang ganito.
"Ma, sorry po talaga promise sa susunod na Sunday po diyan na talaga ako uuwi."
"Ano pa nga ba ang magagawa ko." D*mn!
"Listen, Ma I have this girl named Tori and I need to impress her on our first date so, please huwag ka ng munang magtampo sa akin," pakiusap ko pa sa ina.
She sighed. "Fine, basta sa susunod na punta mo rito isama mo iyang Tori na iyan ha? Para makilala ko rin siya," Salamat naman.
"No problem, Ma thank you po."
"Mag-ingat ka sa date mo anak magpakabait ka," may halong pambabanta pang ani ni Mama na ikinatawa ko naman agad.
After we said goodbye we end our conversation also, buti na lang at napakiusapan ko siya.
Nang pumatak na ang kamay ng orasan sa alas sais ay gumayak na agad ako upang hindi ako ma traffic sa daan at para hindi ako ma late.
Minuto ang lumipas ay tapos na ako sinigurado ko munang maayos na ang aking pagmumukha at kasuotan. Simpleng puting polo shirt at gray trouser pants ang sout ko ngayon inayos ko rin ng maayos ang buhok ko. Siguro naman magugustuhan na ni Ma'am Tori itong suot ko at bago na naman mapunta sa kung saan-saan ang imahinasyon ko ay minabuti ko ng umalis.
Hindi nagtagal ay nakarating na ako bahay nina Ma'am Tori pagkahinto ko ng aking kotse ay lumabas agad ako upang pagbuksan ng pintuan si Ma'am Tori sa passenger seat.
Habang papalapit sa gawi ko si Ma'am Tori ay napangiti ako dahil sa taglay niyang ganda pinaghandaan niya rin pala ang date namin dahil napakadecente rin ng kanyang kasuotan.
Masasabi kong kakaiba talaga si Ma'am Tori dahil hindi siya 'yong tipo ng babaeng nag d-dress kapag may date. Simple lang ang suot niya ngunit nag uumapaw pa rin ang kanyang ganda.
"Good evening, Ma'am Tori!" bati ko sabay bukas ng pintuan sa passenger seat.
"Salamat," pasalamat pa niya saka tuluyang pumasok sa loob ng kotse ko.
Umikot na rin agad ako sa driver seat pagkasara ko ng pintuan passenger seat. Kinakabahan man ay hindi na lamang ako nagpahalata dahil ayokong magmukhang ewan sa harapan ng babaeng pinapangarap ko.
"Kamusta ang araw mo, Ma'am?" tanong ko habang nasa biyahe.
"Okay naman may event lang kaming dinaluhan kanina," tugon naman niya.
"Sa business mo or family event?" muling tanong ko pa.
"Business," tipid nitong tugon.
Masyadong seryoso naman yata siya ngayon.
"Mapapangiti ko kaya siya ngayong gabi?" tanong ko sa aking isipan.
Tanging siya lang talaga ang babaeng sumusubok sa kakayahan ko.
Makalipas ang halos isang oras ay nakarating na rin kami sa Luch's at kaagad naman kaming inassist ng isang waiter patungo sa isang VIP room na pina reserved ko.
And of course as gentleman I treat her so well since she's my date we took about some stuff and sometimes I throw funny jokes, pero sadyang walang epekto iyon kay Ma'am Tori. Maayos naman ang date namin dahil hindi naman niya tinarayan at bawat tanong ko ay sinasagot naman niya but the thing is I failed to make her smile. 'Yon pa naman ang deal namin sa isa't-isa.
Hanggang sa natapos na lang ang date namin ay hindi talaga siya ngumiti. D*mn it!
Gusto kong mainis sa kanya pero ayoko namang magalit siya. Ngiti lang, e, hindi ko pa nagawa.
"Ma'am Tori, hindi niyo po ba talaga ako kayang bigyan ng chance?" may bahid ng inis kong tanong sa kanya ng kapwa na kami makababa sa kotse ko at nandito na kami sa tapat ng kanilang bahay.
"Nilinaw ko na ang lahat sa'yo noong nakaraan pa 'di ba?" malamig niyang tugon, at nasa ibang direksyon din siya nakatingin.
"Bakit, Ma'am dahil ba sa pulis ako?"
"Kung sakali bang iba ang naging propesyon ko, Ma'am may posibilidad bang sagutin mo ako? O sadyang ayaw na mo talaga sa tulad ko?"
Pagpaparanka ko na sa kanya hindi ko na kasi napigilan ang sarilli ko. Nakakainis na kasi.
Matunog na buntong hininga muna ang ginawa nito bago niya ako tinignan. She was about to say a word pero inunahan ko na ito baka kasi hindi ko lang kayanin ang isasagot niya.
"Just forget about it, Ma'am."
"Thanks for the night."
Magkakasunod kong wika at humakbang na ako patungo sa driver seat pero bago ako tuluyang makapasok sa loob ng kotse ay kinawayan ko muna si Lola Victoria nakatanaw kasi ito mula sa bintana ng veranda nila.
Ito na rin siguro ang huling kita ko pamilya niya dahil mukhang wala talaga akong pag-asa sa puso niya.