CHAPTER 7

1375 Words
Tinotoo nga ni Draven ang sinabi niya dahil pagkatapos naming magpunta sa private resorts niya ay araw-araw na itong dumadalaw sa aming bahay. May mga dala pa ito minsang mga pagkain at palagi ring may bulaklak si Lola sa kanya maging ako ay ganun din dahil pati sa photoshop ko ay nambubulabog siya tuwing umaga para lang magbigay ng bouquet. Sa dami ng binigay niya ay pwede na ako magtayo ng sarilli kong garden rito sa shop. Tulad na lang ngayong gabi nandito na naman siya dahil nakapark ang kotse niya sa labas ng gate namin. Hulog na hulog na talaga ang loob ng pamilya ko sa kanya kaya kahit wala itong napapala sa akin ay welcome na welcome pa rin siya rito. "Ate!" bungad agad sa akin ni Hansel pagpasok ko ng bahay. "Sina Nanay?" tanong ko naman agad sa kapatid nang hindi ko nakita sina Nanay. "Pumunta po sila ni Hazel sa bahay nina Ninang Cora binisita po nila ang baby ni Ate Iya," tugon niya. "Susunod nga ako roon, Ate hinintay lang kitang dumating para may kasama rito sina Lola at Kuya Draven," muling turan pa niya. See? Sa pabalik-balik dito ni Draven sa bahay ay Kuya na ang tawag sa kanya ng kambal palagi kasing may mga pasalubong ang mga ito mula kay Draven. Sadyang kami na lang talaga ni Draven ang hindi close. "Sige, Ate alis na po ako," paalam na nito sa akin. "Sige mag-iingat ka," bilin ko pa sa kanya at saka na ito tuluyang umalis ng bahay. Nang maiwan akong mag-isa ay umakyat na ako sa taas dahil paniguradong nasa terrace na naman sina Draven at Lola nakatambay. Nang makaakyat na ako ay isang instrumental music ang bumungad sa akin napangiti agad ako ng marinig ko iyon dahil theme song iyon nina Lolo at Lola. "Alam mo dati na may phonograph kami sa bahay doon sa probinsya," dinig kong sabi ni Lola kay Draven. Ilang hakbang lang naman kasi ang layo ko mula sa kanila. "Talaga po? E, bakit hindi niyo po dinala rito?" magkakasunod na tanong naman agad sa kanya ni Draven. "Nasira na kasi iyon, apo siguro ay sa tagal na rin ng panahon, " tugon naman ni Lola. "Alam mo, Draven sa tuwing pinapakinggan ko ang tugtugin na iyan naalala ko talaga ang masayang nakaraan namin ni Arturo lalo na 'yong sinasayaw niya ako tuwing gabi bago kami matulog," kinikilig pang kwento pa ni Lola kay Draven. Tumayo naman agad ang binata at nilahad nito ang kaliwang kamay niya kay Lola. "Lola, maaari po ba kitang isayaw?" tanong pa nito kay Lola na ikinatuwa naman agad ni Lola. "Aba marunong ka pa lang sumayaw?" tanong pa ni Lola sa kanya sabay abot ng kamay nito. "Opo naman, La," mayabang na tugon naman agad ni Draven sa kanya. Medyo nilakasan pa ni Lola ang tugtug bago sila pumwesto ni Draven malapit sa may hamba ng terrace saka masuyong sinayaw ni Draven ang Lola ko. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapangiti dahil sa aking nakikitang eksena ngayon. "Lola, gabi-gabi po ba talaga kayong sinasayaw ng asawa ninyo noon?" tanong pa ni Draven habang sumasayaw sila. "Walang absent iyon, apo iyon kasi ang paraan niya para makabawi sa buong araw na wala siya sa bahay," tugon naman ni Lola. "Bakit saan po ba ang asawa ninyo pumupunta?" tanong pa ni Draven. "Nagtatrabaho kasi iyon sa gobyerno kaya buong araw siyang wala sa bahay." "Siguro po 'lagi kayong nag re-request sa asawa ninyong isayaw kayo." Umiling naman agad si Lola bilang tugon kay Draven. "Kusa niya iyong ginagawa, apo ganoon niya ako kamahal. Palagi niyang pinaparamdam sa akin na kamahal-mahal ako sa bawat araw at may mga binibigay siya sa akin na hindi ko naman hinihingi." Habang nagkukuwento si Lola ay mababanaag mo talaga sa kanyang pagmumukha ang saya at kilig. "At natutunan ko na kapag tunay mong minamahal ang isang tao ay hindi mo na kailangan pang magtanong kung ano ang kanyang nais dahil bilang kanyang kabiyak dapat ay alam mo kung ano ang nararapat para sa taong pinakamamahal mo," litanya pa ni Lola, at tanging ngiti naman ang naitugon ni Draven sa kanyang sinabi. "Ma'am Tori!" Kaagad kong nilingon si Draven ng tawagin ako nito. "O, apo nariyan ka na pala, kanina ka pa ba?" tanong naman agad sa akin ni Lola at huminto na sila ni Draven sa pagsasayaw dahil lumapit na ako sa kanila. "Hindi naman po, La, kumain na ho ba kayo?" tanong ko sa kanya. "Kanina pa, apo ipinagluto kasi ako ni Draven ng lugaw mas mainam na raw kasi kung ganoon ang kainin ko tuwing gabi para mabilis akong matunawan." Lihim naman ako natuwa dahil sa ginawa ng binata kay Lola tunay ngang tapat at totoo ang kanyang ipinapakita sa pamilya ko. "E, ikaw ba apo ko kumain ka na?" malambing na tanong pa sa akin ni Lola. "Hindi pa po, La hindi pa naman po kasi ako gutom," tugon ko. "La, lumalalim na po ang gabi mabuti pa po siguro ay matulog na kayo." "Oo nga, La masyado po yata tayong na willi at hindi na natin namalayan ang oras," turan naman ni Draven. Niyakag na namin si Lola sa loob ng bahay upang makapagpahinga na ito sa aming silid. "Tori, ihatid mo muna si Draven sa labas hintayin na lang kita rito," wika ni Lola at huminto ito sa kalagitnaan ng aming paglalakad. Pumayag na lang din agad ako sa kagustuhan ni Lola dahil hindi kahit naman mangatwiran pa ako ay siya pa rin ang masusunod. "Draven, ingat ka sa pag-uwi ha, talasan mo iyong mata para iwas disgrasya ka," bilin pa ni Lola kay Draven. "Yes po, Lola huwag kayong mag-alala mag-iingat po talaga ako para makapag-usap ulit tayo bukas," nakangiting tugon naman ni Draven sa kanya. "O siya tumuloy ka na at baka gabihin ka pa sa daan." Hinatid ko na ang binata sa labas st nang malapit na kami sa may gate ay tumigil muna ako upang kausapin siya. "Mr. De Mevius, " tawag ko na ikinatigil naman agad niya sa paglalakad. "Yes, Ma'am?" nakangiting tugon niya. "Hindi ka ba napapagod kakapunta mo rito sa bahay? Kahit na wala ka naman talagang napapala sa akin ni, hindi nga kita kinakausap, e," kompronta ko sa kanya. Alam ko kasing hindi rin biro ang pagiging isang pulis kaya naitanong ko sa kanya ang mga iyon. Oo alam ko binata siya pero wala ba siyang mga magulang naghihintay sa pag-uwi niya mas marami pa kasi siyang oras na manatili sa bahay kesa ang umuwi sa kanila. "You and your family are not wasting my time, Ma'am Tori masaya po akong nakakausap ko sila sa araw-araw at nakikita, lalo na si Lola Victoria. At, Ma'am may napapala pa rin naman po ako sa inyo kahit konti," mahabang litanya niya. "Ano?" taas-kilay kong tanong sa kanya. "Tinatanggap mo ang mga binibigay kong bulaklak sa'yo at sapat na sa akin na dahilan iyon upang ipagpatuloy ko ang aking panliligaw sa'yo," sinserong tugon niya sabay ngiti sa akin. "Pero, Mr. De Mevius simula't sapul pa lang ay nilinaw ko na ang lahat sa'yo 'di ba? Na wala kang mapapala sa akin at kahit tinatanggap ko man iyang mga bigay mong bulaklak wala pa ring magbabago," giit ko naman sa kanya. "Fine let's have a deal then, Ma'am Tori," wika niya. "Ano 'yon?" tanong ko naman agad. "Let's have a date. Just one date, Ma'am Tori Marie at kung hindi ka ngingiti sa buong durasyon ng date natin titigil na ako sa panliligaw ko sa'yo. At hindi mo na rin ako makikita rito sa pamamahay ninyo. Pero kung makita kitang ngumiti kahit isang beses lang hahayaan mo akong maging parte ng buhay mo," paliwanag pa niya. Saglit pa akong napaisip sa mga sinabi niya pero kung susumahin ay walang kahirap-hirap ang hamon niya kayang-kaya kong hindi ngumiti sa harapan. "So?" muling tanong niya. "Deal," tugon ko at sumilay agad sa kanyang mga labi ang napakatamis na ngiti. "Kailan?" muling tanong ko pa. "Sa linggo sa Luch's susunduin na lang kita rito." Wow yamanin sa Luch's. Nang tumango ako ay tuluyan na itong umalis ng aming bahay. Walang-wala ang hamon sa akin ni Draven kaya ihanda niya na lang ang puso niyang masaktan kung saka-sakali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD