CHAPTER 5

1981 Words
"Lola, magpahinga na po kayo," wika ni Draven. "Lumalim na rin po kasi ang gabi," dagdag pa niya. Maayos at mapayapang natapos ang hapunan namin kasama siya, hindi siya naging makulit at maayos siyang nakipag-usap sa aking pamilya. Mukhang tinablan yata ng hiya. "Sige matutulog na ako at inaantok na rin ako," paalam na rin ni Lola sa kanya sabay tayo mula sa kinauupuan niya rito sa may terrace. May ilang oras na rin kasi silang narito ni Draven sa terrace nag-uusap, ewan ko ba kung anong meron ang Draven na ito at nakuha agad niya ang loob ng Lola namin, actually hindi lang si Lola dahil maging sina Nanay at ang mga kapatid ko ay nakapalagayan na rin siya ng loob. Sadyang ako lang itong aburidong-aburido sa presensiya niya. "Tori, pakihatid si Draven sa may labas," utos pa sa akin ni Lola. "Sige po," tugon ko naman agad kahit na labag iyon sa aking kalooban. "Hijo, mag-iingat ka sa pag-uwi mo ha? At kapag may oras ka dalaw ka rito nang makapag-usap ulit tayo," pahabol pang wika ni Lola kay Draven. "Sige po, Lola wala pong problema," tugon naman ni Draven na ikinairap ko naman agad. Ano kayang nagustushan ni Lola sa lalaking ito? Pagkuwa'y hinatid ko na nga ito sa labas ng aming bahay. "Goodnight, Ma'am Tori," wika niya ng buksan ko na ang gate namin, tumango naman agad ako bilang tugon sa sinabi niya. "Sleep tight, Ma'am see you sa panaginip ko," dagdag pa niya at pangiti-ngiti pa ito. Imbes na sagutin siya ay tinalikuran ko na ito dahil nag uumpisa na naman siyang pakuluin ang dugo ko. "Ingat po kayo, Ma'am!" pahabol pa niya ngunit tuloy-tuloy lamang ako sa pagpasok sa loob ng aming bahay. "O, La, bakit nandito pa po kayo sa baba?" tanong ko kay Lola nasa sala pa kasi ito. "Hinintay kita, apo gusto ko kasi sabay tayong matulog," malambing na tugon nito sa akin na ikinatuwa ko naman. Isa sa pinakanamiss ko ay ang makatabi ko Lola sa pagtulog at siyempre may kwentuhan pa muna iyan. "Sige, La tara na po at medyo inaantok na rin ako." Pumanhik na agad kami sa aking silid. Naglinis muna ako ng katawan saglit sa banyo na narito lang sa loob ng aking kwarto pagkatapos ay tinabihan ko na agad si Lola sa aking kama. "Tori, apo ayaw mo ba kanina sa ating bisita?" tanong sa akin ni Lola. "Napansin ko kasi hindi mo siya kinikibo kanina," dagdag pa niya. Ang lakas talaga ng pang-amoy ni Lola. "Pagod lang po siguro ako, La," pagkukunwari ko. "O, siya pahinga na tayo." Umayos na agad kami ng pagkakahiga ni Lola. "Basta, apo huwag mong sungitan si Draven ha? Mabait naman siyang tao, e," muling turan pa niya. Lihim naman agad akong umismid dahil sa sinabing 'yon ni Lola. "Kakakilala mo pa nga lang sa tao, Lola, e," pagkontra ko naman kay Lola. Narinig ko pa itong natawa bago ako sinagot. "Ikaw talagang bata ka, alam mo ba kung bakit nasabi kong mabait siyang tao?" tanong pa niya sa akin. "Bakit po?" tanong ko naman agad sa kanya. "Kasi humingi siya sa akin ng permiso." Kaagad namang kumunot ang noo ko dahil sa sinagot ni Lola. "Anong permiso, La?" tanong ko. "Naligawan ka." Aba't ang kapal din naman talaga ng pagmumukha ng lalaking 'yon! "Pumayag kayo?" eksheradang tanong ko naman agad kay Lola. "Siyempre!" "Ha? Lola, naman, e!" bulalas ko naman agad ngunit pinagtawanan pa ako ni Lola. "Relax, apo ikaw talaga. Siyempre iba ang sinagot ko kahit." "Ano po pala ang sinagot niyo?" tanong ko. "Ang sabi ko ikaw ang dapat na tanungin niya tungkol sa panliligaw niya sa'yo dahil kahit pumayag man ako kung ayaw mo naman sa tao, e, wala rin namang saysay," mahabang tugon ni Lola. "Pero, apo wala namang masama kung hahayaan mong ligawan ka ni Draven kasi wala ka pa namang nobyo," muling turan niya. "La, alam niyo naman pong hindi ko iyan priority at ni minsan ay hindi ko ninais na magkaroon ng nobyo," paliwanag ko naman sa kanya. "Pero, apo sayang ang ganda mo at sayang lahi natin," pabirong tugon pa nito sa akin. "Aanhin ko naman po iyang lalaki sa buhay ko sasaktan lang din naman ako, at Lola ang ganda po ay maglalaho rin sa paglipas ng panahon." "Pero, apo ang pangit tumanda na mag-isa sa buhay ika nga nila no man is an island" "I'm just twenty-three years old, Lola ang bata pa po ako para sa mga pag-ibig na iyan." Hinawakan naman agad ni Lola ang kanang kamay ko at sinuklay-suklay ang malambot at mahabang buhok ko. "Tori, alam kong minsan ng nasaktan iyang inosenste mong puso dahil sa ama mo pero, apo hindi naman lahat ng lalaki katulad niya. Tulad na lang ng Lolo mo namatay lang iyon pero ni minsan ay hindi talaga niya ako sinaktan." May punto naman si Lola pero sadyang ayaw ko pa lang talaga. Hindi pa ako handa, as simple as that. "Kung iibig man po ako, Lola sisiguradohin ko pong magiging katulad ni Lolo at hindi ni Tatay," pursigidong turan ko naman. "O, kaya nga buksan mo ang puso mo sa lalaking nais kang ligawan malay mo katulad na pala siya ng Lolo mo," tugon maman ni Lola sa akin. Hindi naman agad ako nakasagot sa sinabi ni Lola hanggang sa tumahimik na ang paligid at ng lingunin ko si Lola ay nakatulog na pala ito. Kung kaya't nagpasya na lang din akong matulog pero... "Sana nga mahanap ko pa ang katulad ni Lolo," ani ko muna isipan bago tuluyang pinikit ang mga mata ko. KINAUMAGAHAN, pagising ko ay wala na si Lola sa tabi ko kaya naman bumangon na ako at gumayak. Balik trabaho na rin kasi ako ngayong araw at malamang bukas na ang photoshop ko ganitong oras. Si Charee kasi ang inaatasan kong magbukas ng shop dahil pinsan ko siya at para na rin masimulan na nila agad ang trabaho kasama ang tatlong trabahante ko. Pagkatapos kong gumayak ay hindi na sana ako kakain ng agahan at magkakape na lang pero dahil nandito si Lola ay hindi ako nito pinayagan na umalis na walang laman ang aking tiyan. "Huwag mong sinasanay ang sarilli mo sa kape lang tuwing umaga, Tori Marie mas mainam pa rin kung may laman iyang pagkain kahit tinapay man lang," sermon pa sa akin ni Lola. Sinumbong kasi ako ni Mama na madalas akong mag skip ng umagahan at tanging kape lang ang laman ng tiyan ko. "Kaya hindi ka tumataba, e, kasi puro kape pala iyang laman ng tiyan mo," dagdag sermon pa ni Lola. Diyan nagkakamali si Lola dahil malakas naman akong kumain ngunit sadyang hindi lang ako tabain. Pagkatapos kong kumain ay saka na ako nagpaalam ng maayos sa kanilang lahat at pagkatapos ng iilang bilin sa akin ni Lola ay tuluyan na rin kaming umalis ni Baby Tor-tor ko. Sino si Baby Tor-tor? E, 'di ang pinakamamahal kong motor. Dahil hindi ako nakapag kape sa bahay ay nag drive-thru na lang ako sa isang coffee ng kape bago tungohin ang photoshop ko. "Good morning, Tori!" bati agad sa akin nina, Lai, Ross at Chickie mga tauhan ko. "Tori, may naghihintay sa'yo," wika naman ni Charee sabay nguso ng bibig upang ituro ang tinutukoy nitong naghahanap sa akin. Kaagad namang tumaas ang kilay ko ng makita ko si Mr. Draven De Mevius na pangiti-ngiting lumalapit sa akin at hindi na ako magtataka kung sino ang nagturo sa kanya ng photoshop ko walang iba kundi si Lola. He's wearing his complete uniform at nag-ahit pa siya ng balbas. Infairness naging mukhang tao siya today. "Are you lost, Mr. De Mevius? Sa pagkakaalam ko kasi photoshop ko ito at hindi police station," mataray na tanong ko agad sa kanya. "Nope, sumadya talaga ako rito para maibigay ko 'to sa'yo." Kaagad niyang inabot sa akin ang hawak niyang bouquet of flowers na ngayon ko lang din napansin. Infairness ang gaganda ng flowers lalo na't favorite color ko pa. It's color yellow at yellow roses ang bigay nitong bouquet sa akin. "Aba very good tayo riyan, Draven ah? Kasi favorite color ni Tori ang yellow and it's a unique rose," puri naman sa kanya ni Charee. Daldal talaga ng babaeng 'to. At dahil favorite color ko ang bulaklak ay tinanggap ko ito pero hindi ibig sabihin nu'n ay close na agad kami. Huwag siya! "I'm glad you like it, Ma'am Tori," nakangiting saad naman niya. "Just like what Charee it's my favorite color," simpleng tugon ko. "Sige, Ma'am mauuna na po ako sa inyo," paalam na nito sa akin at pati sa mga kasamahan ko. "Infairness ang effort ni Sir," malanding turan agad ni Chickie pag-alis ni Draven. Palibhasa bakla. "Oo nga, alam mo Tori halos isang oras na rin niya kayong hinintay dito ni Tor-tor," sabat naman ni Lai. "Nanliligaw ba siya sa'yo? Siya lang yata ang naglakas loob na gumawan nu'n." Ross. "Hoy, Ross! Grabe ka marami kayang manliligaw si Tori kaso hindi lang niya pinagbibigyan sadyang si Sir lang ang may makapal na mukha." Chickie. Natawa na lamang ako sa kanilang dalawa dahil nagsisimula na naman sila. Pagkuwa'y naging abala na kami sa trabaho at pinagpala yata ang araw ngayon dahil marami kaming naging costumer. "Sa wakas, makakapaghinga rin." Padaskol akong umupo sa couch na narito sa rooftop ng photoshop ko. "Oo nga gutom na rin ako," wika naman ni Charee. "Gutom ka na naman? Charee kakain lang natin ng doughnut," tanong ko pa sa kaibigan habang nagtatrabaho kasi kami kanina ay nagpadeliver ako ng doughnut upang hindi naman kami antukin sa aming mga ginagawa. "Halos ikaw nga umubos nang parte kong doughnut, e," dagdag ko pa. "Seryoso gutom pa rin talaga ako, Tors," giit niya. "Ano ka buntis?" tanong ko pa. "Baka nga tatlong linggo na rin kasi akong delayed," tugon naman agad niya na ikinataas naman agad ng kaliwang kilay ko. "Ay weh? Uy seryoso ka ba, Charee?" paniniyak ko pa. "Oo nga," siguradong tugon naman nito sa akin. "Bumili ka ng PT, para ma confirm," suhestiyon ko pa. "Sige mamaya bili kami ni Rico sa botika," tugon naman niya. "Uy, Tori kapag ba nabuntis na ako, tatanggapin mo pa ako bilang pinsan at best friend mo?" nakangusong tanong na nito ngayon sa akin. "Aba'y oo naman, bakit naman hindi?" tugon ko naman agad sa kanya. Loka-loka talaga ang babaeng ito. "Of course knowing you as a conservative one baka isipin mong madali akong makuha," nakangusong tugon pa rin niya na ikinatawa ko naman agad. "Sira! Oo marahil ganoon ako pero hindi ibig sabihin nu'n ay huhusgahan na agad kita dahil lang nabuntis ka kahit hindi ka pa kasal," natatawang tugon ko. "Talaga ba?" paniniyak pa nito. "Oo nga. You know what, Charee kapag nagmamahal kasi tayo nakakalimutan na natin minsan ang sarilli natin at nabibigay natin ang lahat-lahat sa partner natin and there's nothing wrong with it ang mahalaga panagutan ka ni Rico. Pero kung hindi ay mababaril ko talaga siya isasama ko na rin si Draven para matahimik na rin ang buhay ko," litanya ko pa. "Rico won't run dahil pangarap namin ito." Natuwa naman ako sa sinagot niya, at least hindi taratandong lalaki ang napunta sa pinsan ko. "Thank you, Tori kasi hindi mo ako hinusgahan." Yumakap pa ito sa akin ng sobrang higpit. "Sana talaga matagpuan mo na rin ang para sa'yo dahil ang katulad mo ay hindi na pinapakawalan pa," wika niya ng kumalas na ito sa pagkakayakap sa akin. "Bakit 'di mo bigyan ng chance si Draven, Tors malay mo siya pala ang para sa'yo," suhestiyon pa niya. Tanging buntong hininga lamang ang naitugon ko sa kaibigan ko. Pagbibigyan ko na ba ang sarilli kong umibig ngayon? Si Draven nga ba talaga ang para sa akin? Mananaig ba ang pag-ibig sa puso ko habang buhay o, masasaktan lang din ulit ako sa ikalawang pagkakataon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD