CHAPTER 4- Tori Marie

1728 Words
Three Maiden's Kitchen Ito ang pangalan ng aming karinderya na ngayon ay padami na nang padami ang kumakain at nagsisidatingan patangahali na rin naman kasi. "Nay!" tawag ko sa aking ina nang makapasok na ako sa loob na aming karinderya. "O, anak nakalabas na ba ang Tito Waldo mo sa kulungan?" tanong agad ni Nanay sa akin. "Opo, Nay." "Aba himala, Ate pumasok ka sa police station?" tanong naman ni Hazel sa akin nakakasulpot lang. "Well, I don't have a choice anymore, Hazel," umiirap kong tugon sa kapatid. "Ay siya nga pala mamayang hapon na ang dating ng Lola ninyo," wika ni Nanay. Ang Lola na tukoy ni Nanay ay si Lola Victoria na ina niya. Si Lola Victoria ang naging katuwang ni Nanay noong naghiwalay sila ni Papa, isa rin si Lola Victoria ang dahilan kung bakit nakaahon kami sa kahirapan. Matagal din kaming nanirahan noon sa probinsya kasama niya at habang nasa bahay kami ni Lola noon ay hindi kami nito pinabayaan. Totoo nga ang kasabihan na iba mag-alaga ang isang Lola lahat kasi ng gusto namin ay binibigay niya pero ang pinakanagustuhan ko kay Lola ay ang pagiging makwento niya tungkol sa buhay nila noon ng Lolo naming sumalangit na. At dahil din sa mga kwento niya ay nalaman kong sa pangalan pala niya kinuha ang pangalan kong Tori Kaya siguro close na close rin kami ni Lola nalungkot nga ako noong umalis na kami sa puder niya. Sinubukan naman siyang ayain ni Nanay noon na sumama sa amin pero ayaw niya dahil ayaw nitong iwan ang munting bahay nila ng aming Lolo. Kahit patay na ang Lolo ko ay mahal na mahal pa rin siya ni Lola, Lola loves him like he's still exist in our world. "Kaya mamaya, Hazel samahan mo akong mamalengke at maglinis ng bahay ha?" wika ni Nanay kay Hazel. "At ikaw Tori Marie ikaw na muna ang bahala rito sa karinderya kayo ni Hansel," wika naman nito sa akin. "Sige po, Nay," tugon ko naman agad kay Nanay. "Nay, ako na lang sasama sa inyo tapos sina Hazel at Ate Tori na lang po rito sa karinderya," wika naman ni Hansel. "Ay huwag na, Hansel hindi ka naman tutulong sa bahay, e, mas mabuti pang dito ka na lang kasama ng Ate Tori Marie mo." Kaagad namang bumunsangot si Hansel na ikinatawa ko naman agad. Hindi naman kasi talaga nito matutulungan si Nanay sa bahay dahil mag c-cellphone lamang ito at mag s-selfie. Kaya mas mainam na kung si Hazel ang kasama ni Nanay dahil paniguradong matutulungan talaga siya nito sa pamamalengke at paglilinis ng bahay. Just like what I said mag-iba sina Hazel at Hansel kahit na kambal sila. Napakamot na lamang ng ulo si Hansel dahil sa sinagot ni Nanay sa kanya. Maya-maya pa ay mas dumami na ang mga tao dahil break time na halos ng mga empleyado sa kompanya na malapit sa karinderya namin. "Ate, sina Ate Charee at Kuya Rico nandito na!" pasigaw ni wika ni Hansel sa akin. Pumasok kaso ako ng kusina upang ihatid ang mga ginamit ng kubyertos at pinggan ng mga costumers. "Sandali lang!" pasigaw na tugon ko rin sa kapatid at naghugas muna ako ng kamay. Tuwing tanghalian ay dito rin kumakain ang magksintahan at ako palagi ang umaasikaso sa kanila. Pagkatapos kong gumawi sa kusina ay lumabas na agad ako upang asikasuhin ang order nina nina Charee at mukhang may kasama yata sila ngayon. Aba very good talaga itong pinsan ko dagdag costumer na rin itong sinama nila. Ngunit ng dumulog na ako sa mesang inakupahan nila ay biglang nagbago ang isip ko at uminit bigla ang ulo ng mapagsino ko ang isang kasamahan nila. "Ikaw na naman?" iritang tanong ko agad sa pulis na kasama nila. "Oo, Tori siya nga pala si Draven best friend ni Rico," ani Charee. Kapag minamalas ka nga naman oh! "Pinaglalapit talaga tayo ng tadahana, Ma'am." Aba't ang kapal din naman talaga ng pagmumukha ng pulis na ito. Kaagad ko siyang pinaningkitan ng mga mata. Kung wala lang talagang maraming costumer ngayon malamang lumipad na ang bote ng ketchup sa ulo ng pulis na ito. Pero imbes na matakot ang loko sa tingin ko ay mas lumapad lamang ang ngiti niya. Tigas talaga ng mukha! "Ehem!" Kaagad naman akong napabalik sa kasalukuyan dahil sa malakas na pagtikhim ni Charee. "Tori, b-baka pwede na kaming umorder," nauutal namang wika ni Rico. Isang buntong hininga muna ang pinakawalan ko bago tinuon ang akin atensyon sa kanila. Nang makuha ko na ang order nila ay bumalik na ako sa food counter para kunin ang mga pagkain nila. "Nak, pakibawas-bawasan naman iyang pagsusungit mo at baka hindi na tayo magkabenta niyan," bulong sa akin ni Mama habang sumasandok ito ng ulam para sa costumer. Nakita pala niya 'yon ang linaw naman yata ng mg mata ngayon ng inay ko. "Hayaan mo na iyang kasama nina Rico at Charee dagdag costumer din iyan," dugtong pa niya. Tama naman siya pero bi-nu-buwisit kasi ni Draven ang araw ko hindi lang dahil sa pulis siya kundi meron pa at hindi ko mawari kung ano iyon. Nang ma kompleto na ang order nila ay kinalma ko muna ang sarilli ko bago ihatid sa mesa nila ang pagkain nila. "May kailangan pa kayo?" tanong ko sa kanila pagkatapos kong ihain ang mga inorder nila sa mesa. "Tori, pasuyo na lang ako ng tubig," tugon ni Charee. "Pahingi na lang din ako ng asin, Tori pampalasa lang sa kanin," turan naman ni Rico. "E, kayo po, Sir may kailangan pa po kayo?" tanong ko na lang din kay Draven ngunit nagtitimpi ang aking boses. "I'm fine, salamat." Mabuti naman. Pagkatapos nilang kumain ay saka lang din lumamig ang ulo ko pinapakulo kasi talaga ng Draven na iyon ang buong dugo na dumadaloy sa katawan ko. "Tori anak, aalis na kami ni Hazel ha at baka maubusan na kami ng bilihin sa palengke," paalam na sa akin ni Nanay. "Sige po, Nay mag-iingat ho kayo ni Hazel," bilin ko naman sa kaniya. "Kayo rin dito bantayan ninyo ng maigi ang karinderya magsara rin kayo ng maaga, at baka umulan pa mamaya," bilin din sa akin ni Nanay. "At, Tori paki iwasan naman ang pagtaas ng maganda mong kilay baka mawalan tayo niyan ng mga costumer," dagdag pa ni Nanay na ikinatawa ko naman agad. Hindi na rin naman siguro tataas ang kilay ko dahil hindi ko na makikita ang pagmumukha ng Draven na iyon. Pagkuwa'y umalis na sina Nanay at Hazel samantalang kami naman nina Hansel at Manang Nora na siyang katulong namin dito sa karinderya ay naging abala na rin sa mga gawain. Hanggang sa sumapit na ang hapon at hindi na masyadong mabili sa tindahan pwera na lang sa mga kendi at yosi. At dahil wala na rin kaming pinagkakabalahan ay niyaya ko na si Mamang Nora na magkape. "Ang ganda-ganda talaga ng palabas na iyan," puri ni Manang Nora sa palabas na pinapanuod nito sa telebisyon. "Oo nga, Manang ang bongga!" pagsang-ayon naman ni Hansel. Dahil silang dalawa lang naman ang nakatutok sa palabas samantalang ako ay abala lang sa pag-inom ng kape. "Lola?" bulalas ko ng makita ko ang papalapit na bulto ni Lola Victoria sa aming karinderya. "Oh my gosh!" bulalas naman ni Hansel. Nang makita rin nila si Lola Victoria na papasok sa aming karinderya. Tumayo naman agad kami mula sa kinauupuan namin upang salubungin si Lola. Ngunit hindi ko inasahan na kasama nito ang taong nagpapakulo ng dugo ko mula ulo hanggang talampakan. "Bakit sila magkasama?" tanong ko sa aking isipan. "Lola!" Sinalubong agad ni Hansel ng yakap si Lola ng makapasok na ito sa aming karinderya. "Apo ko, miss na miss kita," natutuwang wika naman ni Lola sabay haplos sa makintab at mahabang buhok ni Hansel. Nang kumalas na si Hansel sa pagkakayakap kay Lola ay ako naman ang yumakap dito. "Hijo, itong si Tori na apo ko ang kinikwento ko sa'yo kanina," nakangiting wika pa ni Lola kay Draven ng kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. Kunot noo naman agad na naglipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Mukhang close na yata sila. "May kamukha nga po siya, Lola, e," tugon naman agad ng pangit na lalaking ito kay Lola. "Aba talaga? Sino?" sunod-sunod na tanong naman agad ni Lola sa kanya at halata pa sa boses nito ang excitement. "Kamukha niya po ang magiging girlfriend ko." Napamaang naman agad ako sa sinagot niya sa Lola ko. Ang bastos talaga ng bunganga ng lalaking 'to. At ito namang si Lola ay tawang-tawa pa sa sinagot niya. "Naku mapagbiro ka talagang bata ka," natatawang turan pa sa kanya ni Lola. "Ay siya nga pala mga apo siya si Draven ang nagligtas sa akin," Pagkuwa'y wika ni Lola sa amin. "Ano?" sabay-sabay naman naming tanong agad kay Lola sa may kalakasan naming boses. "Muntik na kasi akong manakawan kanina ng pera sa terminal, mabuti lamang at naging alerto itong si Draven kaya natulungan niya agad ako at nagpresinta na rin siyang ihatid ako rito para raw ma safe ang pag-uwi ko," salaysay pa ni Lola. May kabaitang taglay naman pala itong si Draven. "Naku mabuti na lang po Lola at nandiyan si Sir Draven," ani Hansel. "Oo nga nagdilang anghel sa akin ang poging binatang ito." "Ay matagal na ho, Lola." Wow hangin. Babait na sana ako ng kaunti sa kanya, e, ang kaso iba yata pasok ng hangin sa ulo niya. Saan ba niya nakukuha ang kahanginan niya? "Kaya bilang pasasalamat sa'yo, hijo sa bahay ka na maghapunan." Ano!? "Ay sakto, Madam Victoria dahil nagluto po ng kare-kare si Ate Hillary," gatong pa ni Manang Nora. "Wala pong kare-kare sa bahay fake news po iyon," sabat ko na ikinanuot naman agad ng mga noo nila. Kailangan kong hadlangan ang pag-apak ng pulis na ito sa aming pamamahay. "Anong fake news pinagsasabi mo, Tori Marie? Kahapon pa namin binili ng Nanay mo ang pang kare-kare," kontra sa akin ni Manang Nora. Bakit ba kasi kailangan pang yayain ni Lola si Draven na maghapunan sa bahay, hindi pa pwedeng kape na lang? "Oo nga, Ate nakita ko iyon kanina sa ref." Wala na talo na ako. Pagkaisahan ka ba naman ng pamilya mo. Siguradohin lang talaga ng Draven na ito ang pag-uugali niya mamaya sa bahay dahil kung hindi, hindi talaga ako magdadalawang isip na kastiguhin siya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD