“Anong sabi mo, Kuya? A-Ayaw na talaga akong kausapin ni Iverson?” I looked towards Kuya Harvey with a hint of confusion from my voice. Kahit na si Iverson na mismo ang nagsabi sa akin kagabi ng mga bagay na iyon, para bang hindi ko pa rin magawang maniwala kahit maging kay Kuya ay sinabi niya rin ang sinabi niya sa akin kahapon. Ayaw na niya talaga sa akin? Malakas na bumuntong hininga si Kuya Harvey at parang nagdadalawang isip kung sasagutin ang tanong ko o hindi. Bakas sa mga mata niya ang pagkalito at pagkabalisa na para bang may alam siya na hindi ko alam. Mas lalo naman akong kinabahan dahil sa naging reaksiyon niya. “Kuya?” I called his attention once again. Kunot-noong nakatingin lamang kasi siya sa kawalan at hindi sinagot ang tanong ko. Kahit sino ay mapapansing hindi siya

