“Grabeng jontis ‘to, kailangan bang maging blooming kahit na buntis?” Muntik na akong masamid sa iniinom ko nang walang pasabing pumasok si Delaney sa bahay namin. Kasunod niya ang nakasimangot na si Izaak na halos hindi na makalakad papasok dahil sa rami ng dalang paper bags na malamang sa malamang ay mga pinagbibili ni Delaney sa date nila na mukha yatang naging shopping spree. Ipinatong ko ang iniinom kong strawberry shake bago tumingin sa gawi ng dalawa. “Tagal niyo, ah? Nag-enjoy kayo sa shopping-shopping niyo? Kapag wala akong pasalubong, salamat nalang sa lahat,” biro ko. Izaak immediately scoffed. “Kung alam mo lang, Riley. Kung alam mo lang,” sambit niya at umiling-iling. Mahina naman akong tumawa dahil sa reaksiyon niya. Gusto ko sanang sabihin na alam ko kung anong nararamdam

