"HMMMM..." nakapikit pang ungol ko, pagkagising. Pinagapang ko ang kamay ko sa espasyo sa tabi ko upang malaman kung naroon pa ang asawa ko, ngunit bakante na iyon. Marahil ay bumaba na ito nang makatulog ako. Kahit hindi ko pa nakikita, ay ramdam ko rin na mayroon na akong suot na pang-itaas na damit, na natitiyak kong si Aki ang nagsuot sa akin. Ang pagkakatanda ko, bago ako natulog kanina ay hubad ako, at katabi ko pa ito. As usual, hindi natapos sa pagkakainan lang ang inumpisahan ng asawa ko kanina. Hanggat hindi ako tuluyang iginugupo ng pagod ay hindi na naman ako nito tinantanan. Ilang sandali ko pang pinagbigyan ang pagal kong katawan na magpahinga bago ko ipinasyang bumangon na, upang bumaba at maghanap ng makakain. Nang tumingin ako sa bintana ay nakita kong madilim na sa l

