"KANINA KA pa?" Kaswal na tanong sa akin ni Aki nang makalapit. Pinatakan ako ng halik sa mga labi, bago hinatak ang upuan sa tabi ko at naupo. Matalim pa rin ang mga matang nilingon ko ito, bago ako muling bumaling sa pintuan upang habulin naman ng nag-aalalang tingin ang kaibigan nito, na siyang naghatid sa babaeng tinawag nitong Darling. "Babalik 'yon, Love, huwag kang mag-alala." Pabalewalang sabi ng asawa ko, nang marahil, ay mapansin ang pag-aalala sa mukha ko, saka kinambatan ang waiter at humingi ng menu list. Hindi naman ako kumibo at inirapan lang ito. Habang nagdidikta si Aki ng kung ano ang oorderin nito sa waiter, ay palingon-lingon naman ako sa direksyon ng pintuan Nakalimutan kong sabihin dito na naka-order na nga pala ako. At sapat na iyon para sa aming tatlo. Abala k

