Chapter 101

2643 Words

AKALA KO ay parte pa ng panaginip ko ang naririnig kong pag-iingay, na pilit ko pang hinagilap sa isip ko kung saan nanggagaling. 'Yung cellphone ko. Napapa-ungol pa, na kunot ang noo, at halos nakapikit pa ang isang mata kong iniangat ang kamay ko upang abutin ang aparato sa ibabaw ng nightstand, sa tabi ng kama. Maka-ilang beses ko pa iyong kinapa-kapa, bago sa wakas, ay nahagilap din ng kamay ko. Pikit pa rin ang mga mata, at namamaos pa ang tinig na sinagot ko ang tawag. Ni hindi ko na pinagka-abalahan na tingnan pa sa caller id kung sino ang nasa kabilang linya, dahil personal phone ko naman ito, at iilang piling tao lang ang nakaka-alam ng numero nito. "Hello..." "Good morning, Love..." masiglang bati kaagad ng asawa ko sa kabilang linya. Kaagad na gumuhit ang matamis na ngiti

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD