Chapter 128

2266 Words

"HI, LOVE." Nakangiting bungad kaagad sa akin ni Aki, nang imulat ko ang mga mata ko. Sa isang tingin pa lang, makikita na kaagad ang walang pagsidlang kaligayahan sa mga mata nito, bagaman mayroo ding kaunting bahid ng pag-aalala. Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid, at nahinuha ko, na nasa loob na ako ng isa sa mga silid ng ospital. Hospital gown na rin ang suot ko, na marahil ay ipinalit sa suot ko kanina. "Hi." Sagot ko, saka pinilit na ngumiti rito, kahit pa nga pakiramdam ko ay hinang-hina pa ako. Parang ipinaghampasan ang katawan ko, sa nararamdaman kong panlalata. "What happened? 'Yung baby natin? Nasaan siya?" Masuyong ngumiti ang asawa ko, at saka hinalikan ang kamay ko, na saka ko lang napansin na hawak pala nito. "Shhh.... stop worrying, Love," nakangiti pa ring sagot n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD