"DID YOU REMEMBER the first time we've met, Hon?" "Babe, hindi ka ba talaga manonood ng practice?" Malambing na tanong ni Misty sa akin habang papalabas kami ng campus gymnasium. Nakapulupot ang mga kamay nito sa braso ko, na para bang tatakbuhan ko siya kung hindi niya gagawin iyon. Inihilig pa nito ang ulo sa braso ko at lalong hinigpitan ang kapit doon. Lunod na lunod ang balat ko sa lambot ng dibdib nito na hindi ko alam kung sadya ba nito talagang idinidikit doon. Katatapos lang naming mag-make out sa locker room ng pep squad members ngunit parang gusto na naman ng babaeng 'to na bumalik doon. "I can't." Sagot ko habang unti-unti nang binabaklas ang kamay nito sa braso ko. Mahirap na. May long quiz ako sa Chemistry, at mayroon na lang akong labinlimang minuto para tawirin ang kab

