"SERIOUSLY?" LAGLAG ANG pangang turan ko rito. "Ang dami kong sinabi, iyan lang ang isinagot mo?" Painosenteng tumawa si Marga. "Bakit? Tinatanong mo ang sarili mo 'di ba? Sinagot lang kita." Nag-aangatan pa ang mga kilay na anito. Bagaman may maliit na ngiti sa gilid ng mga labi. "Wala akong kahit na anong kulam na ginamit sa 'yo. Sa kagandahan ko lang ikaw nahumaling." Nakataas pa ang noong wika nito. May pagyayabang sa tinig na noon ko lang narinig dito. Marahas akong humugot ng hangin at ibinuga iyon sa ganoon ding paraan. "Actually, noong una kitang nakita, hindi naman ako kaagad nagandahan sa 'yo--" Sinamaan ako nito ng tingin. "Alam mo, para sa isang nakikipag-balikan, napakabastos mo." Anito, na may kasama pang pag-irap. Humalukikip pa ito at dumeretso ng tingin sa harapan ng

