ILANG SANDALING natigilan si Marga sa sinabi ko. Alam ko naman na hindi magiging madali para dito ang maniwala kaagad sa lahat ng sasabihin ko. Pero umaasa ako na sa pagkakataong ito ay bibigyan ako nito ng pagkakataong patunayan dito ang sarili ko. Kung gaano ko ito kamahal. At kung ano ang kaya kong gawin para sa pagmamahal na iyon. Lumabi ito. Bumaba doon ang tingin ko. Pakiramdam ko ay bigla akong nauhaw. Pinatakan ko iyon ng isang mabilis at may gigil na halik. Hindi naman ito kumibo. "Hindi naman ganoon kadaling nawawala 'yon," sa baba ito nakatingin bagaman sapo ko pa rin ang magkabilang pisngi nito. "Mahal pa rin kita, Kit. At ikaw lang naman ang lalaking minahal ko." Pag-amin nito na ikinangiti ko. Ngunit alam ko na hindi pa ako maaaring masyadong magsaya. Alam ko na may karu

