"HINDI GAN'ON KADALI, pero nagawa ko naman, Hon, 'di ba?" Hind pa rin nawawala ang pamamanglaw sa mga matang ngumiti ako habang nakatunghay kay Marga. "Nagawa ko namang ibalik ang nasira mong tiwala sa akin." "Nagawa kong patunayan sa iyo na wala na akong ibang babaeng mamahalin, kung hindi ikaw lang. Na ikaw lang, sapat na." Marahan akong tumawa. "Kahit palagi mo akong binibitin." Kung gising lang si Marga ay tiyak na iirapan na naman ako nito. "O, kape, kape..." ibinaba ko ang tray na may dalawang umuusok na kape at ilang mga kutkutin sa harap ni Marga, at saka ako naupo sa likuran nito. Hindi naman ito kumibo at humilig pa sa akin. Dinampot nito ang isang mug at maingat na dinala sa bibig, habang hindi inaalis ang mga mata sa binabasa. Nandito kami ngayon sa pad ni Aki at tinutulu

