"LOVE, SLOW DOWN..." paalala sa akin ni Aki, habang lakad-takbo ang ginagawa ko sa bawat pasilyo ng ospital papunta sa operating room, kung saan sinabi ni Papa na naroon na si Mama at ano mang oras ay maaari nang operahan. Nang huli itong makausap ni Aki ay sinabi nitong nagpasya na ang mga doktor na i-CS na nga si Mama, dahil ayaw daw talagang bumaba ng blood sugar nito na nagiging sanhi rin ng patuloy na pagtaas ng blood pressure nito. Hindi ko na nakuha pang pansinin si Aki. Pakiramdam ko ba ay tensyonado ang buo kong katawan dahil sa aking nalaman. Ang buong kaisipan ko ay naroon na sa mama ko na nanganganib ang buhay sa mga oras na ito. Hawak ni Aki ang kamay ko, na hindi nito binibitiwan mula pa kaninang umalis kami ng bahay. Binitiwan lang nito iyon nang bumaba ito ng sasakyan at

