"HI..." Nang mag-angat ako ng tingin ay sinalubong ako ng nakangiting asawa ko na kapapasok pa lamang ng pintuan. Pinatakan ako nito ng isang masuyong halik sa noo nang makalapit, at saka naupo sa tabi ko. "Ready na kayo?" Nakangiting mahina lang akong tumango rito bago muli kong ibinalik ang tingin ko sa kapatid ko na kipit ko sa mga bisig ko at pinapasusò. Ngayon na ang araw ng labas nito mula sa ospital. Thankfully, ay malusog ito at walang kahit na ano mang naging komplikasyon na tinamo dahil sa sirkumstansya ng panganganak dito. Naipasa rin nito ang lahat ng tests na isinagawa rito. Kaya't makalipas ang halos dalawang buwan na incubation ay pinayagan na rin ito ng doktor na makauwi. Si Mama ay hindi pa rin gumigising hanggang ngayon. Ngunit ang sabi naman ng doktor ay huwag kami

