EASIER SAID THAN DONE. Papaano akong kakalma kung naririnig ko ang bawat ungol at daing ng asawa ko nang dahil sa labis na sakit? Papaano akong kakalma kung halos hindi na maipinta ang mukha ng asawa ko, habang hindi rin malaman kung saang parte ng katawan ang hahagurin, dala ng walang kahulilip na sakit? At papaano akong kakalma kung sa kabila ng, nakikita ko sa mismong harapan ko ang labis na sakit na nararamdaman ng asawa ko, wala man lang akong magawa para tulungan ito? Para pagaanin man lang, kahit na kaunti ang nararamdaman nitong sakit. Tng ina! Walang kakalma! "Shhh... i'm here, Love... i'm here..." iyon na lang ang tangi kong magagawa sa mga sandaling ito. Ang iparamdam dito na narito lang ako sa kanyang tabi at hindi ko siya iiwan ano man ang mangyari. "Hmmmmppp..." Minsan

