GAMIT ang sarili kong susi, na hindi ko naman iniwan dito noong magpakasal kami ni Aki, at lumipat ako sa ipinagawa nitong bahay, ay nakapasok ako ng gate, sa bahay ng mga magulang ko. Buti na lang pala at hindi ko inaalis sa bag ko ang susi na ito, kahit pa hindi na ako rito nakatira. Kunot ang noo na isinara ko iyong muli at naglakad na patungo sa pintuan. Naka-ilang pindot na ako ng door bell pero wala pa ring kahit isa sa mga tao rito sa bahay ang nagbubukas sa akin ng gate. Pinakiramdaman ko ang paligid at nagpalinga-linga, habang naglalakad akong papasok. Wala akong naririnig kahit na kaluskos, o ano mang ingay na makapag-sasabi na may tao sa bahay. Lalong nangunot ang noo ko. Nasaan ang mga tao sa bahay na ito? Huminga ako ng malalim at nang makarating ako sa pintuan at sinubu

