KAHIT PA HIRAP akong idilat ang mga mata ko, dahil sa pamamaga ng mga iyon, ay muli akong nag-angat ng tingin sa digital clock na nakapatong sa ibabaw ng nightstand at sinipat iyon, sa hindi ko na mabilang na pagkakataon, kung anong oras na. Alas singko y medya. No wonder, madilim pa sa labas, nang lingunin ko ang bintana sa isang bahagi ng silid. Sa ganoon naubos ang buong magdamag sa akin. Nakabantay ako sa bawat pagpatak ng oras at pag-ikot ng orasan, at nag-aabang sa pag-uwi ng asawa ko. Mula nang umalis ito kagabi, pagkatapos magalit sa akin, ay wala na akong naging balita kung nasaan ito. Hindi ko alam kung saan ito nagpunta. Sinubukan ko namang tawagan ang telepono nito, at nagulat pa ako nang marinig kong mag-ring iyon sa loob din mismo ng aming silid. Nang hanapin ko kung saan

