"HEY..." Nilingon ko si Aki sa driver's seat, na sa akin din nakatuon ang tingin, dahil pula ang ilaw ng traffic lights. Pauwi pa lang kami, galing sa bahay nina Papa. Hindi pumayag si Nanay na hindi muna kami kumain ng hapunan, bago kami umuwi. Tiyak daw na take out, kung hindi fast food, ay sa kung anong madadaanan naming restaurant ang bagsak namin, kapag nagkataon. Kaya't wala kaming nagawa ni Aki, kung hindi ang paunlakan na itong kumain muna kami, bago umuwi. Medyo malalim na ang gabi, pero marami pa ring sasakyan sa kalsada. Suhestiyon nga ni Mama na doon na lang daw kami matulog sa dati kong silid, pero hindi na pumayag si Aki, at sinabi na kailangan daw naming umuwi at may trabaho ito kinabukasan at kailangang maaga pa lang ay nasa opisina na ito. Alam naman marahil iyon ni Pa

