HINDI KO namamalayan na pigil ko na pala ang hininga ko habang nakatingin ditong naglalakad papalapit sa akin. Sa akin din nakatuon ang pailalim na tingin nito, habang iniinom pa ang tubig sa basong hawak nito at naglalakad papalapit sa akin. Nang makalapit, ay inilapag nito ang basong hawak sa nightstand, at muling hinubad ang suot na maong, saka muling naupo sa kama at ipinaloob ang katawan sa comforter, at saka nahiga. Malakas pa akong napasinghap nang maramdaman ko ang paghapit nito sa baywang ko, at ito na mismo ang nagbalik sa akin sa pagkakahiga. "It's just two in the morning, Love," Isiniksik pa nito ang mukha sa leeg ko at mas hinapit pa akong papalapit sa katawan niya. Naramdaman ko pa ang paghalik nito sa leeg ko. "...tulog pa tayo." Mariin lang akong napalunok nang mas isi

