"EH, SILA MAMA at Nanay, nasaan?" Muli kong tanong dito. "Wala kahit na isa sa kanila ang inabutan ko kahapon dito sa bahay nang dumating ako. Nakatiwas pa ang mga labi na nagkibit ng mga balikat si Aki. "Hindi ko rin alam. Noong dumating kami ng papa mo galing sa bayan nandiyan pa sila. Pinagluto pa nga kami ng mama mo ng pulutan. Baka may pinuntahan lang." Huminga na lang ako ng malalim, at marahang tumango. Pagkatapos noon ay kapwa na kami natahimik na dalawa. Tila nakuntento na lamang na kapiling at yakap ang isa't isa. Walang ibang maririnig sa silid kung hindi ang ugong ng airconditioner, at ang paminsan-minsang malalalim na paghinga namin. Hanggang sa muling basagin ng asawa ko ang katahimikan. "Love..." untag nito sa akin habang pinaglalaro ang mga daliri sa braso ko. Nakapai

