NAUULINIGAN KONG may sinasabi pa sana si Aki sa kabilang linya, pero hindi ko na iyon pinakinggan. Tuluyan ko nang pinatay ang linya. Ngunit hindi ko pa man iyon nailalapag sa lamesa, ay muli na naman iyong tumunog. Si Aki ulit. Pero inismiran ko lamang iyon, at walang kabalak-balak na sagutin. Sa nanlalabong mga mata ay tinitigan ko lang ang pag-blink ng pangalan nito sa screen ng cellphone ko, hanggang sa maubos ang ring. Ngunit hindi pa rin ito tumigil. Maka-ilang ulit itong nagtangka muling tumawag, ngunit ni isa mga iyon ay wala akong sinagot. Ang sakit-sakit na ng lalamunan ko sa pagpipigil na basta na lamang bumunghalit ng iyak sa kinauupuan ko, mula pa kaninang kausap ko si Anya. Sa gilid ng mga mata ko ay kita ko ang unti-unti nang pagdami ng mga kumakain sa paligid. At nakuk

