Chapter 169

1851 Words

"HEY, MARGE..." Kahit hindi ito nag-angat ng tingin, ay alam kong alam ni Kit na pumasok ako sa loob ng ICU. Katunayan dito na hindi man lang ito nagulat nang magsalita ako. Deretso pa rin ang tingin nito kay Marga habang hawak ng dalawang kamay ang isang kamay nito. Tinapik ko ito sa balikat at tinanguan lang ako. Hindi pa rin lumilingon. "Kumusta?" Tanong ko, ngunit hindi pa rin ito kumibo at nagkibit lamang ng mga balikat. Kapwa na kami ngayon sa nakaratay na babae nakatingin. Higit kanino man, alam ko na si Kit ang pinaka-naapektuhan ng nangyari kay Marga. Alam ko, at saksi ako kung gaano nito kamahal ang asawa at masakit dito na ganito ang sinapit nito. "Birtday na ni Maki bukas..." nananatiya kong turan. "Pinatatanong ni Brianna kung makakapunta ka?" Matagal bago sumagot si Ki

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD